"Bakit mo ba ako pilit na pinapapunta dito sa bahay ng ina mo?.. "Dad please kahit ngayon lang para naman maayos ang pagpakilala ko sa magiging asawa ko... "Asawa?... "Yes dad, mag -aasawa na ako at Mahala apo na po kayo..."Gavin kung pakasalan mo lang naman s'ya dahil nabuntis mo s'ya,huwag mo na ituloy dahil hindi magwowork..."Bakit dad ganun ba nangyari sainyo ni mommy?... "Iba ang sa amin ni mommy mo,we love each other ng nabuo ka,hindi lang kami nagkaintindihan ng huli dahil mas gusto niyang mag around the world,she's only 21 ng ipinanganak ka niya.."Dad Krisha and I is different,hindi kagaya sainyo ni mom,we're both in a right age.She is 25 at ako ay 26 hindi na kami bata dad..."Sige halika na at matapos na ito ang dami ko pang gagawin sa opisina.
Mabuti nalang at pumayag si daddy,pinilit ko talaga s'ya para magkita na din sila ni mommy.Gusto ko rin magkabalikan ang dalawa dahil tumatanda na sila.57 na ang ama ko. Si mom naman ay 53 na alam kung hindi madali dahil pareho ding mapride ang dalawang ito. Nagpasalamat ako at tanggap naman nila pareho si Krisha at masayang natapos ang aming pag-uusap.Maliban lang kay tito na parang hindi parin naniniwala.Pero wala rin s'yang nagawa at nakipag-usap na din.Napagkasunduan ang kasalan na magaganap sa susunod na buwan,dahil kabuwanan na ni Krisha ay palagi sa bahay si Bea ang pinsan niya.Naging malapit na din ako dito at pati si Kyle ay lagi rin sa bahay.
"Bea magpahinga kana,.."Mamaya na Kuya kailangan ko pang tapusin itong trabaho sa opisina. "Ikaw bahala,matutulog na kami.."Help po, Bea..Gavin manganganak na ako... "Kuya si ate Dali....
"Kayanin mo hon, sabi ko sayo sa hospital na tayo magstay eh.. "Bilisan mo nalang hindi ko na kaya ang sakit....
Natataranta ako sa pag mamaneho ko pati si Bea ay sumisigaw na din..Hanggang sa sobrang bilis na ng pagdrive ko at napansin kong walang preno ang sasakyan na lagi kong ginagamit. At nabangga kami sa isang malaking poste...
"Doc kumusta ang mga pasyente?..."Under observation pa si Krisha Bernard,nailabas na namin ang kambal sa t'yan niya at ligtas na din si Gavin Monteverde pero ang isa ay dead on arrival ito..."No, ang anak namin si Bea,bakit kinuha na s'ya sa amin.."Sir huminahon kayo, at pasinsya na ginawa namin ang lahat para masurvive s'ya pero wala na itong buhay.Si Krisha 50/50 din s'ya..."Gawin nyo po ang lahat masurvive n'yo siya doc..."Yes sir,maiiwan ko ho muna kayo...
"Gavin anak,salamat at gising kana.."Saan ako? A.. Anong nangyari?...naalala ko na, si Krisha kumusta ang mga anak ko dad?... "Ok na ang kambal ligtas sila.. Nairaos ni Krisha na mailabas muna ang kambal bago ito nahimatay.Pero hindi pa s'ya nagigising iho.. Isang linggo na s'yang tulog.."Dadalawin ko s'ya dad, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa kanya.. "Anak magpahinga ka muna, hindi pa kaya ng katawan mo.Pinatawag ko na ang nurse dadalhin na nila dito ang kambal, they are so cute and take note son, kamukha ko sila... "Sir nandito na po ang anak ninyo.
Tinitigan kong mabuti ang kambal,kamukhang kamukha ko sila..Naisip ko paano kung may nangyari na masama sa kanila kay Krisha, hindi ko mapapatawad ang sarili ko..
"Anak huwag mong sisihin ang sarili mo,aksidente ang nangyari.."Dad, maayos ang kotse ko dahil ginamit ko pa ito ng pinakilala ko sainyo si Krisha.. "Ano ang ibig mong sabihin may nagsira ng break mo sa sasakyan?.. "Yes dad at hindi ko ito palalampasin.. Oras na makalabas ako dito ako mismo ang kikilos para mahuli ang sino mang may gawa nito."Tutulungan kita anak, uuwe muna ako ng mansyon at may aasikasuhin,papunta na din dito si Kyle para magbantay sayo.Ang mommy na Kay Krisha kasama ang tito Carlo mo, ang tito at tita ni Krisha kasi nasa burol ni Bea. "Si Bea dad?.. "Yes iho, dead on arrival s'ya anak.. "S'ya ang napuruhan sa nangyaring aksidente, ayon sa nakakita, hinarang ni Bea ang katawan niya sa matigas na bakal na tatama sana sa tiyan ni Krisha.. Niligtas niya ang mag-ina mo..
Ako ang dahilan kung bakit namatay ang pinakamamahal na pinsan ni Krisha, paano na kung magising ito at magalit sa akin.. Paano ko ito haharapin?
"Gavin anak ang lalim ng iniisip mo? "..Mom may balita na ba kay Krisha?.. "Commatose pain siya anak at hindi alam kung kailan ito magigising...Huwag ka muna mag isip ng mag isip kailangan mo ng pahinga sabi ng doctor.."Hindi ako makapagpahinga mom, ang dami kong iniisip. Gusto ko nang lumabas dito sa hospital at may gagawin ako..."Sabi ng daddy mo may balak kang mag imbistiga.. anak are you sure na sinadya iyon?.. "Yes mom, at may hinala na ako kung sino...