Nagpaalam na ako kina tita Vangie at Sofie dahil isasama na ako ni Gavin sa Pilipinas.Umiiyak si tita habang yakap yakap ako,dahil akala niya ay sa kanila na ako titira ng pangmatagalan.
"Promise po tita Vangie babalik po kami dito kasama ang kambal ko.At pupunta din naman kayo ni Sofie sa Pilipinas to attend my wedding.."Iba parin kasi na nandito ka,dito kana kaya manganak.Total after pa naman ng panganak mo kayo magpakasal e..."Tita iuwe ko nalang po muna s'ya,promise po babalik kami dito,kung gusto nyo po sama nalang kayo sa amin..."Sige isama nyo na iyan,parang gusto na akong iwanan eh...Nagtawanan nalang kaming apat sa sinabi ni Sofie,sobrang close kasi kami ni tita Vangie para ko na ding ina ito.Sa pitong buwan ko dito ay s'ya ang nag aasikaso sa akin.Ang daming bawal.Bawal magbuhat ng mabigat,bawal kumain ng ganito,ganun.Pati mga maruming damit ko s'ya nagwawashing.Kaya nakakalungkot na iwanan ko ang mga ito.
"Sige basta pasyal pasyal kayo ha,laging mag iingat..Ikaw naman Gavin ingatan mo iyang anak ko.."opo tita pangako po...Aalis na ho kami,Sofie thank you..and tita Vangie.."Sige iho,ingat kayo..."Tita aalis na po kami,best.Sige na baka maiwan pa kayo ng eroplano,ano mom sasama kaba?.." Hindi na,baka magwala ka pa..."Magdecide kana mom habang nandito pa tayo sa airport,kuhanan na kita ng ticket.."Ako ba talaga Sofie pinapaalis mo na,ha!.."Joke lang naman,hindi kana mabiro...
Pinagtawanan nalang namin ang mag-ina.At pumasok na kami sa loob ng airport.Tanging shoulder bag lang ang dala dala ko,si Gavin ang nagdala ng dalawang maleta.Iniwan ko nalang kina Sofie ang ibang gamit ko dahil babalik at babalik pa naman ako dito.
"Hon,wala ka yatang imik d'yan?May problema ba?.."Wala,natatakot lang ako..."Bakit ka natatakot,nag-usap na tayo diba?You know my dad he's nice naman at hindi nangangain ng tao.."Para kang sira d'yan,baka kasi ano sasabihin ng mga tao sa akin..."Huwag mo na silang isipin,saka be proud hon dahil magkakaanak na tayo...."
Nginitian ko nalang si Gavin,kakaiba na talaga s'ya ngayon.Dati ako ang tagapagtanggol niya at nagbibigay ng lakas ng loob.Ngayon siya na ang nagpapalakas ng loob ko.Ang isang simpleng tao na nakapagkamalan kong alalaly lang ay isa palang tagapagmana at may sarili ng mga negosyo.Walang wala man ako ngayon,ito naman s'ya.Dumating sa oras ng walang wala ako.Lumipad na ang eroplanong sinakyan namin.Nakapikit lang ako pero gising ang diwa ko...Nag-iisip sa sunod na mangyayari sa yugto ng buhay ko.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami ng NAIA,ginising nalang ako ni Gavin.Sakto naman ang pagdating ng sundo namin.Pero bumaba lang ito at lumipat sa kotseng nakasunod.Hinatid lang pala ng driver ang sasakyan ni Gavin at ito na ang nagmamaneho.
"Saan tayo,bakit hindi ito ang way ng bahay ninyo?..."Talagang naalala mo pa bahay namin ah.."Oo naman noh,saka hindi din ito papunta sa mansyon ninyo.."I have a surprise hon kaya tumahimik ka nalabg muna ok?..."May pasurpresa,surpresa kapa d'yan."Oo naman noh,masanay kana dahil lagi lagi na ito.
After 20 mins.na byahe ay tumigil kami sa tapat ng malaking bahay,up and down ito at ang ganda sa harap.Isang modern house ito na talagang polido ang gawa.
"Let's go hon,this is my surprise!pasinsya kana hindi mansyon ang naipagawa ko ha,pero ako ang nagdesign nito at nagsabi ng bawat detalye,i hope you like it..."Amazing,ang ganda Gav!.."Salamat at nagustuhan mo..pasok na tayo.Mula ngayon ito na ang magiging bahay ko,bahay natin kasama ang ating isang dosenang anak..."Isang dosena talaga? ...."kung kaya lang naman..Ouch....!bakit ka ba nangungurot..Hanggang dalawa lang tayo,ang hirap magpalaki.."Ibig sabihin enough na iyang dalawang boys na yan sa t'yan mo?..."Hindi pa naman dahil,gusto ko pa ng girl..."Hay,salamat..Akala ko last call na e..
Kinurot ng kinurot ko nalang si Gav dahil ng gigil na talaga ako sa kanya.Niyakap nalang ako bigla para oatigilin sa gjnagawa ko.Inikot namin ang bahay na parang hindi mga pagod.May apat na kwarto sa taas,isa master bedroom para sa aming mag-asawa.Ang isa napakafeminine para daw sa babae naming anak,ang isa naman napakamasculine for our boys daw, ang isa ay guestroom at may terrace pa sa master bedroom,mayroong terrace din na nakaconnect sa tatlong kwarto na pwedeng pagtambayan.Sa baba ay may isang kwarto din para sa kasambahay.Ang lawak na ng bahay na ito,malawak ang sala sa baba at may dirty kitchen pa sa likod.Bawat kwarto sa taas ay may kanya-kanyang cr.Sa baba naman ay malaki ang cr at may cr din sa likod sa may dirty kitchen.Ang galing ng engineer ko sa bahay.Ang lawak pa ng garden na s'yang kahiligan ko ang pagtatanim.At may pool pa sa gilid ng bahay.
"Ano hon,pasado na ba ito?..."Oo Gav ang ganda kaya..hindi ko akalain na marunong ka din magdesign..Pwede ka.maging architect ha,infairness nakakabilib.."So ano na,bukas pakasal na tayo..."Aba,diba sabi ko after ko ng manganak..."Oo na po,payag na ako . .Magpahinga kana baka mapaano ka pa,kanina kapa ikot ng ikot.Baka nagreklamo na iyang kambal sa sinapupunan mo.."Opo,magpapahinga na..."Wait,kakain muna tayo ang order ko na yatang foods iyan.."Kakain lang natin kanina ah,kakain nanaman?"..."Oo dahil ayaw kong hindi ka makakain,panigurado bukas kana magigising niyan dahil sa pagod at puyat.
Pagdating namin kanina ay umorder agad ako sa burger king ng makain bago kami magpahinga.Pareho kaming puyat ni Krisha.Ang saya ko dahil hindi na ako palaging mag iisa,at kasama ko na ang babaeng pakamamahalin ko habang buhay.Kumakain kami ng parehong may ngiti sa mga labi.Bukas ay ipakilala ko na s'ya sa ama ko.May halong kaba at takot pero alam kong matutuwa si daddy dahil gusto na nito magkakaapo.