Khair's P.O.V Pumasok ako sa maliit na opisina ko. Tinungo ko ang mesa saka ipinatong ang brown envelope na hawak ko. Umupo ako sa isang simpleng upuan, at binuksan ko ang isang drawer na nasa ilalim ng desk. Bumungad sa akin ang isang picture frame. Natigilan ako at napatingin dito, kalaunan ay marahan ko itong kinuha saka tiningnan. Isa itong picture frame namin dalawa ni Naya. Pareho kaming masaya at makikita mong mahal namin ang isa't isa. Nasa likuran ko siya habang nakayakap ang kamay sa aking leeg. Ang kamay ko naman ay hawak ang isa niyang kamay. Biglang napadako ang tingin ko sa brown envelope na hawak ko kanina. Isinara ko ang drawer, at itinapon sa basurahan ang picture frame. Hindi lang isang picture frame mayr'on ako. Marami iyan, ang iba ay naka-display pa. Kinuha ko

