Chapter #7

2945 Words

Carys P.O.V Pagkabalik namin ng apartment, walang imik akong tumungo sa room apartment ko. Naramdaman ko ang paglingon ni Professor sa akin, subalit hindi ko na ito pinansin. Dere-deretso ang pagpasok ko sa loob. Pagpasok ko, hindi ko pa man naihahakbang ang mga paa ko. Lihim akong tumingin sa buong kuwarto. Nagtuloy-tuloy ako sa pagkapasok at nagpanggap na parang walang napansin. Binuksan ko ang ilaw. Tumungo ako sa kusina, nagbukas ng fridge saka kumuha ng maiinom. Habang naglalakad ako na parang wala lang, nahagip ng mata ko ang isang wooden display na wala na sa ayos. Nilapitan ko ito at inayos. Pumunta naman ako sa kuwarto ko. Pagpihit ko ng doorknob, lihim na tumaas ang dulo ng kilay ko. Kailanman ay hindi ako lumalabas at umaalis ng kuwarto ng hindi nilo-locked ang doorknob.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD