Carys P.O.V Pagkabukas ng pinto ay saktong ring bumukas ang pinto ni Professor Khair at sabay kaming lumabas. "Good morning, Professor!" masigla kong bati sa kaniya. Lumingon siya sa akin. Mayr'ong pagtatakang tiningnan niya ako. Dumako ang tingin ko sa kaniyang ayos. "Aalis ka? Saan ka pupunta?" tanong ko saka isinara ang pinto. Sa halip na sagutin niya ako, tinalikuran niya lang ako. "Hey!" malakas na pagtawag ko. Ang bilis naman niyang maglakad? Pasalamat nga siya at binati ko siya, e. Nasa good mood kasi ako. Dagdag pang maganda ang panahon ngayon, at wala ring pasok dahil weekend. Patakbong hinabol ko si Professor. Sumilip ako at tumingin sa ibaba. Malayo na ang kaniyang narating. Wala akong choice kun'di ang takbuhin pababa ang hagdan. "Professor!" pagtawag at pagku

