Chapter #5

2318 Words
. Carys P.O.V == Five Months Later == Pinatay ko ang engine pagkatapos kong iparke ang kotse. Hindi muna ako lumabas at sumandal saglit sa upuan. Ipinikit ko ang aking mga mata ngunit kalaunan ay muli kong binuksan. Marahan na tiningnan ko ang kamay kong puno ng dugo na siyang nanggagaling sa natamo kong sugat kanina. Sa parehong tagiliran ay mayr'on akong saksak na natamo at mukhang may pagmalalim ito dahilan para masaganang bumubuhos ang dugo. May mga sugat din akong sa iba't ibang parte ng katawan ngunit puro galos at daplis lamang ang mga 'yon. Napahawak din ako sa ulo, may nahawakan akong likido. Mabilis na tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nakita kong bumubuhos din dito ang dugo. Ang dami ko palang natamong sugat? Sa dami kong nakalaban kanina ay hindi ko napansin na marami pala akong nakukuhang sugat sa bawat tilapon at bagsak ko. Kaya pala nanghihina ako pero wala naman akong nararamdamang sakit. Kung hindi ko pa nakita ang dugo sa kamay ko kanina habang nagmamaneho hindi ko mapapansin. Marahan kong binuksan ang pinto. Hindi muna ako bumaba, hinayaan ko muna itong nakabukas. Bigla kasing dumilim ang aking paningin at mukhang mas lalo akong nakaramdam ng panghihina. Nang hindi ko na naramdaman ang pagkahilo. Dahan-dahan akong lumabas mula sa kotse. Maging ang paglakad ay ayokong gawin ngunit wala akong magagawa kun'di ang umakyat dahil nasa taas pa ang room ko. Sa dami kong ginawa, ngayon lang ako nakabalik ulit. Limang buwan din ang lumipas. Nagsimula akong maglakad hanggang sa marating ko ang dulo ng hagdan. Agad akong humawak sa railings ng hagdan saka ko itong ginawang suporta sa dahan-dahan kong pag-akyat. Hawak ng isa kong kamay ang kaliwang tagiliran ko. Tinatakpan ang sugat ko. Sa bawat hakbang ko ay mas lalong dumidilim ang aking paningin. Ipinilig ko ang aking ulo upang labanan at para maging maglinaw ang paningin ko. Nag-aagawa ang dilim at liwanag, pasikat pa lang ang araw. Tulog pa lahat ng mga nasa apartment. Nagpatuloy ako sa pag-aakyat kahit pa panay ang tigil ko. May pagkakataon pang tumitigil at sumasandal muna ako saglit. Sometimes, I hate this thing. Hindi ko nararamdaman ang sakit pero talo pa rin ako dahil sa pagdidilim ng paningin at panghihina ang madalas kong kalaban sa tuwing may natatamo akong ganito pero ngayon lang ako masugatan ng ganito katindi. Napahawak ako muli sa railings saka tumingin sa bandang unahan. Narito na ako sa hallway ng aming floor apartment. Kunti na lang ay mararating ko na ang room ko. "T*lksh*t!" mariin kong daing habang mahigpit na nakakapit sa railings. Muli kong iwinaksi ang ulo ko para luminaw ang paningin ko. Marahan kong inangat ang paa ko. Pabigat na pabigat na rin ang mga paa ko. Hirap na akong ihakbang ang mga ito. Gusto ko ng marating ang kuwarto ko. Hindi na ako bumitaw sa pagkakahawak ko sa railings dahil pakiramdam ko kapag bumitaw ako ay tuluyan na akong mawawalan ng malay. Kunti na lang Carys! Nang makarating ako sa tapat ng kuwarto ko. Napabitaw at napaupo ako sa sahig. Nanghihinang umupo ako nang maayos. Ipinikit ko ang aking mga mata. Kalmadong sumandal muna ako saglit. Dumako ang tingin ko sa room na nasa kanan. Kahit na nagsisimula ng manginig ang kamay ko ay pinilit at kinaya ko pang abutin ang railings saka buong puwersang tumayo muli. Humakbang ako muli pero this time, sobrang bagal na ng mga hakbang ko. Nang mahawakan ko ang doorknob, hinanap ng kamay ko ang susi sa bulsa ko, luckily nasa bulsa ko naman. "Carys?" Rinig kong tawag sa akin pero hindi naging malinaw sa aking pandinig. Nabitawan ko ang susi at napapikit. Umikot bigla ang paningin ko. Sinubukan ko muli na labanan pero hindi ko na nagawa. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari basta naramdaman ko na lang na babagsak na ang aking katawan. *************** Marahan kong iminulat ang mga mata ko. Kumunot agad ang noo ko dahil puting kisame ang bumungad sa akin. Agad na tumingin ako sa paligid. Napahawak ako sa ulo ko at doon ko lang napansin ang dextrose na nakakabit sa kamay ko. Hospital? Paano ako napunta rito? Bumangon ako at tiningnan ang kalagayan ko. Tinanggal ko ang mga nakakabit sa pareho kong kamay. Saktong pagtanggal ng huling nakalagay sa kamay ko ay ang pagbukas ng pinto na siyang ikinalingon ko. "What are you doing?" tanong agad sa akin ng pumasok. Mas kumunot ang noo ko ng ang pumasok ay si Professor Khair. Automatic na naging malamig na tingin ang ginawad ko sa kaniya. Nilapag niya ang dala niyang brown paper at ang maliit na basket na mayr'ong lamang mga prutas. Kaagad siyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ang dumudugong parte ng kamay ko kung saan nakakabit kanina ang dextrose. "Why did you remove it?" he asked again. Nakatingin lamang ako ng blangko sa kaniya. Anong ginagawa niya rito? Bakit siya narito? At mas lalong bakit ako nandito? "Why am I here?" tanging wika ko at hindi sinagot ang mga tanong niya. "You fainted one week ago. You were wounded, that's why I brought you here." he answered. "One week ago?" pagtataka kong saad. "You were sleeping for a week, Carys." seryosong tugon niya. A week? That long? Bigla kong naalala, bago ako mawalan ng malay mayr'on akong narinig na tumawag sa akin. Mukhang siya ang tumawag sa'kin. Medyo tumaas ang dulo ng kilay ko ng napagtanto kong tinawag niya ako sa pangalan ko. "Carys?" ani ko na may halong pang-aalaska. "What?" taas kilay niya ring tanong. "Nothing. You're starting to call me by my name. Why such a sudden change? Are you accepting me as your girlfriend?" I said. Mas tumaas pa ang kilay niya na ikinatawa ko. Napansin ko ang pagkabigla sa mukha niya. Mabilis siyang umiwas ng tingin at lumapit sa mga binili niya. "Are you hungry? What do you want to eat?" he asked without looking at me. Tiningnan ko lang siya. Muli siyang tumingin sa akin. "What?" natatawa kong wika. Natawa ako muli sa pagmumukha niya. He look at me with has a question in his mind. Tinitigan niya ako na ikinatigil ng pagtawa ko. Huli na ng ma-realize ko ang ginawa ko. Maging ako ay nagulat din sa ginawa kong pagtawa. Itinigil ko ang pang-aasar sa kaniya at binalik ko sa pagiging blangko ang mukha ko. Never kong nagawa muli ang pagtawa ngunit nagawa ko ngayong araw. "Stop staring at me." malamig kong saway sa kaniya. Inalis ko ang mga mata ko sa kaniya. Naramdaman ko ang paglapit niya sa kama ko. "Carys," mahinang pagtawag niya sa akin. Marahan akong tumingin muli sa kaniya. Nataka ako ng hawakan niya ang batok ko. Nanlaki ang mga mata ko nang maglapat ang labi niya sa labi ko. Hindi nakakibo, as in! I freeze and didn't dare to move. Dumistansiya siya ng kunti at tumingin sa akin pero wala pang minuto at muli niya akong hinalikan. Naramdaman ko ang unti-unting paggalaw ng kaniyang labi. Hindi ako rumerespond sa halik pero hindi siya tumigil hanggang sa naramdaman kong tumutugon na ako sa kaniya. Muling naghiwalay ang aming mga labi. Napatitig ako sa kaniya maging siya ay ganoon din, hanggang sa pareho naming sinalubong muli ang aming mga labi. Sabay na gumalaw ng banayad ang aming mga labi, maging ang aming mga ulo ay bumabaling na sa kaliwa't-kanan. Napahawak ako sa kaniya at sinabayan ang bawat paggalaw ng kaniyang labi. I open my mouth slightly when his tongue knocked. Hinayaan kong makapasok ang kaniyang dila at nagsimulang galugarin ang loob ng aking bibig. Mabilis na napahawak ako sa dibdib niya nang makarinig ako ng katok sa pinto. Marahan ko siyang itinulak. Sabay kaming bumitaw sa halikan namin. Mabilis na nilingon ko ang pinto. Nang bumaling muli ako sa kaniya. Nagulat ako nang binigyan niya muli ako ng mabilis na halik. Tumayo siya at lumapit sa pinto. Mabilis na itinago ko ang umiinit kong pisngi. Feeling ko namumula ang mga iyon dahil sa klase ng halikan namin kanina. "Ms. Thatcher," pagtawag sa akin ng kakapasok pa lang na doktor. Agad na dumako ang tingin niya sa dextrose na tinanggal ko. Hahawakan niya sana ang kamay ko para muling ilagay ang dextrose ngunit bago niya pa iyon magawa ay malamig ko siyang tiningnan. "You don't need to." saad ko, Umalis ako sa kama. "I am fine." simpleng dagdag ko. "Ms. Thatcher, your wounds have not yet fully recovered." wika niya, "I don't need to listen to you." bagot kong wika. Bago ko pa marating ang pinto. Hinawakan ni Khair ang kamay ko. "I know if my body is okay or not, Professor." blangkong sambit ko. Inalis ko ang kamay na nakahawak sa kamay ko. Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay muli niya akong pinigilan pero ngayon ang kamay niya ay nasa baywang ko na. "Don't be hardheaded, Carys. Let her check on you." mahinahon niyang wika. Tinitigan ko siya. Napansin ko ang kulay ng kaniyang mga mata. It's emerald. "Come on, sweetie." malambing niyang sambit saka marahan niya akong dinala muli sa kama hanggang sa maupo ako muli. Lihim na sumimangot ang mukha ko. "You can check on me without putting back those dextrose." wika ko, "Alright," pagsuko ng doktor. *************** Hindi ko alam kung nakailang buntong hininga at hugot nang malalim na hininga ang nagagawa ko. Kasalukuyan akong narito sa office ni Professor Khair, nakaupo sa chair dito sa front desk niya. Nakahalumbaba ako sa table niya habang bagot na pinaglalaruan ang pingpong ball na nakita ko sa ibabaw ng desk niya. After kong ma-discharge sa hospital week ago. Balik ako sa daily routine ko, ang bumuntot at pumasok sa klase ni Professor Khair. Ngayon ay kasalukuyan siyang nagbabasa ng something, katatapos lang din niyang mag-check ng mga pinapagawa niya sa amin. Nasagi ng paningin ko ang isang libro malapit sa kaniya. Tumingin ako sa kaniya. Busy at seryoso siya sa ginagawa niya. Itinigil ko ang paglalaro sa pingpong ball. Inangat ko ang aking ulo at muling sumulyap kay Professor. Inabot ng kamay ko ang libro saka kinuha ito. Sumandal ako sa sandalan ng inuupuan ko. I crossed my legs. Binuksan ko ang libro at sinimulang basahin. "You can go out if you are bored." Rinig kong sambit ni Professor Khair. Binigyan ko lang siya ng segundong tingin at pinagtaasan ng kilay. It's not safe for him kung lalayo ako sa kaniya. Hindi na katulad ng dati ang situation. The more na marami siyang nakakasalamuhang mga tao ay delikado sa kaniya. Ang mga taong nasa paligid niya ay hindi mapagkakatiwalaan. "What did you do before to make your life in danger?" I asked with curiousity. Naramdaman ko ang pagkatigil niya at ang pagsulyap niya sa akin. "Nothing." simpleng tugon niya. Hindi na muli akong umimik pa at nagpukos na lang sa pagbabasa sa librong hawak ko. Maya lang ay nakarinig ako ng pagkatok sa pinto. Bumaling doon ang tingin ko. Itiniklop ko ang libro saka tumayo. Hawak ko pa rin ang librong lumapit sa pinto saka binuksan ito. Bumungad sa akin ang isang studyante. Lihim na sinuri ko siya mula ulo hanggang paa. Malawak na binuksan ko ang pinto para sa kaniya. Tumabi ako para makapasok siya ng tuluyan. Nahihiyang pumasok siya sa loob. "Professor Khair, ito na po ang mga activities namin." mahinhin na wika niya pagkalapit niya kay Professor. Marahan na lumapit ako sa kanila at muling umupo sa puwesto ko. Nagbasa ako ulit. Kinuha ni Professor Khair ang nilapag niya. "Wait for it." simpleng utos ni Professor Khair sa kaniya. Marahan na tumango ang babae. Humakbang siya patalikod at nanatiling nakatayo habang naghihintay. After ng twenty minutes. Inabot na ni Professor ang kanilang activities. Mabilis talaga siyang mag-check. Marahan na kinuha naman niya ito. "Thank you po," magalang na sambit niya. Magalang siyang nagpaalam at marahang tumalikod. Tinawag ko siya dahilan para mapahinto siya. "Where's mine? Can I get my activity?" tanong ko at lumingon sa kaniya. Hinintay kong lumingon siya sa akin, at nang lumingon siya, mabilis na ibinato ko sa kaniya ang nakatago kong dagger. Bumaon ang dagger sa pagitan ng kaniyang noo. "Thatcher!" saway sa akin ni Professor. Sabay ng pagtayo ko ay ang pagbagsak niya. Nilapitan ko ang babae. Siya si Christina Aguilera, our new elect class president, and a secret spy of Khair. As I said, Professor Khair's life is full of fake people. He is surrounded by his killers. Lumapit ako kay Christina, "She is your secret spy." aniya ko, Ibinaba ko ang kaniyang mga matang nakamulat pa. Paglingon ko ulit kay Professor Khair, nagulat ako ng nakatayo na siya habang nakasandal sa desk. Lihim na nangunot ang noo ko. Kailan pa siya riyan napunta? "Come here," utos niya. Tumayo ako saka lumapit sa kaniya. Akala ko mayr'on siyang papautos. Nagulat ako ng kinabig niya ang baywang ko palapit sa kaniya. Ang kamay ko ay lumapat sa kan'yang dibdib. Mas nagulat ako ng ilapat niya ang kan'yang labi sa labi ko. Nanlaki ang mata ko. Mahina ko siyang naitulak palayo sa akin. "Professor!" saad ko, Hindi niya pinansin ang pagtawag ko sa kaniya. "Vlaze," wika niya sa isang pangalan. Napadako ang tingin ko sa isang taong dumaan sa bintana. "Master," ani nito habang nakaluhod at nakayuko. "Clean it." maikling sambit ni Professor, "Yes, master." tugon ni Vlaze. Siya 'yong taong papatay sana sa akin, I mean, the guy who did not succeed in killing me. Nilapitan nito ang pinatay ko. Walang hirap niya itong binuhat. Dala niya itong palabas, bintana pa rin ang ginawa niyang pinto. "Don't kill again when you're here on campus." saway niya sa akin na siyang ikinalingon ko sa kaniya. Marahang lumayo ako sa kaniya. "I'll kill whenever and wherever I want." malamig kong tugon. Ibinalik ko kung saan ko kinuha ang librong binabasa ko. Tumungo ako sa couch saka padapang humiga. Matututlog na lang ako. "Tch!" Huli kong narinig bago ko ipinikit ang aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD