Carys P.O.V
Walang hirap na napasok ko ang isang apartment. Wala pa ang may-ari, mamaya pa ang kaniyang dating, mayr'on pang exactly thirty minutes bago siya dumating. Marahan na inilibot ko ang paningin ko sa buong apartment niya.
What an organize woman she is. Malinis at talagang may angking galing din. That is why she is the head in their research. Nilapitan ko at tiningnan ang mga larawang naka-display.
Marami siyang medal, certificates and other awards. Hindi ring maikakailang maganda siya. Marahan na hinaplos ng daliri ko ang ibabaw ng cabinet niya, saka tiningnan ang dulo nito.
"Tsk!" Wala man lang akong nakitang alikabok.
Dumako ang tingin ko sa kusina niya. Napangisi ako nang makita ko ang isang wine rack. Agad akong lumapit dito at kumuha saka binuksan ito. Kumuha na rin ako ng wine glass at nagsalin. Nang tumingin ako sa orasan, limang minuto na lang bubukas na ang pinto.
Kinuha ko ang sinalinan ko na wine glass at ang wine bottle saka pumunta ng sala. Umupo ako sa sofa. Ipinatong ko ang kanang hita ko sa kaliwang hita ko. Tumingin ako sa hawak kong wine glass. Marahan na inikot-ikot ito. Sinundan ng tingin ko ang paggalaw nang marahan ng wine sa loob ng wine glass.
Tumaas ang dulo ng aking labi nang marinig ko ang pag-click ng pinto na nangangahulugang dumating na ang hinihintay ko.
Ininom ko ang wine nang marahan saka muling pinaikot-ikot ang wine glass. Naririnig ko ang kaniyang papasok na pagyabag. Nagbilang ako ng sampong segundo sa aking isipan.
"Ms. Thatcher? Paano ka nakapasok?" malamig na tanong niya.
Huminto ang pag-inom ko ng wine saka bumaling ng tingin sa kaniya. Nginitian ko siya.
"Hello, head professor." bati ko.
Mas itinutok niya ang baril na hawak niya sa akin. Dumako sa baril ang hawak ko.
"Ang husay mo namang humawak ng baril, Professor Lame. Hindi ba isa ka lang simpleng professor ng University of Botanical Sciences? And how come na mayr'on ka laging dalang baril?" saad ko,
Kumunot ang kaniyang noo. "What the h*ck you are doing here? What do you want?"
Marahan na inilapag ko ang wine glass sa ibabaw ng mesa saka tumayo. Lumakad ako at sumandal sa arm ng sofa.
"Isa ka nga lang bang simpleng professor? Professor Lame nga ba ang pangalan mo?" makahulugan kong tanong.
"Wait! Let me remember your name Essie Gaviz." I snap my finger. "That's it! That's your name! Essie Gaviz, right? Tama ako 'di ba?"
Nakita ko ang kaniyang pag-ayos ng tayo saka ngumisi. Ipinakita na niya ang kaniyang tunay na kulay.
"How about you, Ms. Thatcher? Let me ask you, are you just a simple student at the University of Botanical Sciences?" balik tanong niya.
"What do you think, professor?" balik tanong ko rin.
"Ikaw ang maghusga." nakangisi kong dagdag.
Tumaas ang dulo ng kaniyang kilay.
"I am not interested in you. I am very interested in knowing what your real relationship is with Khair." seryosong tanong niya ulit.
Bumuntong hininga ako. "Sinabi ko na 'di ba?" walang gana kong tugon.
Itinagilid ko ang aking ulo para maiwasan ang itinapon niyang dagger. Tumingin ako sa tumusok na dagger sa gilid ng cabinet. Muli akong lumingon sa kaniya. Pilit niyang kinakablit ng paulit-ulit ang trigger ng kaniyang baril pero walang bullet na lumalabas na kan'yang pinagtataka.
"What the!" saad niya,
"Ito ba ang hinahanap mo?" ani ko saka nilabas ang tinago kong bullet ng kaniyang baril.
Lihim kong kinuha ito kanina. Ito rin ang dahilan kung bakit talaga ako pumunta sa research laboratory. Hindi niya napansin na bago ako lumapit kay Professor Khair. Sinimplehan kong lapitan ang kaniyang bag at lihim na inanload ang bullet ng baril niyang tinatago. Ang hindi ko alam kung paano niya natatago ang baril sa matagal na panahon.
"You! You've reached my limit, young lady!" galit na galit niyang sabi.
Mabilis siyang sumugod sa akin. Umalis ako sa pagkakasandal at walang hirap na umiwas sa atake niya. Sinalag ko ng kamay ang atake niya.
"I am going to kill you first!" umuusok niyang saad.
"It's been five years, yet you haven't killed your target. You even became his friends. Are you still intending to kill him? Or is the reason you can't kill him because you fall in love with him? You love Professor Khair." sambit ko habang patuloy na umiiwas at tinatapatan ang kaniyang mga atake at pagsugod.
Kung kanina ay sobrang linis at maayos ang bawat mga gamit niya. Ngayon, tila dinaan nang malakas na bagyo dahil sa sobrang gulo nito. Ang mga pictures, medals, glass trophy ay mga nasa sahig na at kasalukuyang pira-piraso.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay saka itinapon sa kaniyang maliit na flatscreen tv. Natumba ang kinalalagyan nito kasama siya. Maging ang flatscreen tv ay nasira at nabasag.
"Iyon nga lang masiyado ka ng matanda para sa kaniya. He sees you as his superior and co-professor." dugtong ko.
"Wala kang karapatang sabihin kong ano ang dapat kung gawin at ang hindi ko dapat gawin. Isa ka lang bagong studyante ni Khair." saad niya,
Hirap siyang tumayo. Nakita ko ang dugong dumaloy sa mukha niya mula sa kaniyang ulo.
"And speaking of which, you were saying that you are his girlfriend, yet he hasn't confirmed it. In his eyes, you are and will always be one of his students." she said.
"Ikaw na rin ang nagsabi, limang taon kaming magkasama at sa loob ng limang taon na 'yon. Kailanman ay hindi ka niya nabanggit. Never ko rin siyang nakita na tumingin at lumapit sa kahit na sinong babae. Maraming babae na ang nagtangkang lumapit sa kaniya pero mga bigo sila." she added.
Tumingin siya sa akin na may nakalolokong ngiti sa labi. "Ikaw pa kayang isang bago lamang. Isa ka rin sa mga mabibigo at uuwing luhuan. Hindi siya mahuhulog sa'yo." she continued.
Marahan na pinatunog ko ang aking leeg, kaliwa't-kanan.
"Since nahuli mo na rin ako. Hindi ka na makalalabas ng buhay sa apartment ko. Pumasok ka sa lugar na hindi mo dapat pinasukan." seryosong banta niya.
Naging seryoso ang aking mukha at naging malamig ang aking aura.
"I had no intention of leaving this place without killing you." malamig kong tugon.
Sa mabilis kong paglapit sa kaniya, hindi niya inaasahan ang naging mabilis kong kilos kaya hindi siya nakapaghanda at nakapag-react.
Tumungo ako sa kaniyang harapan, saka sinikmuraan siya. Nang yumuko siya, hinawakan ko ang kaniyang ulo saka marahas na inikot ito na siyang dahilan ng pagkawala ng kaniyang buhay.
Binitawan ko siya. Marahan na pinagpagan ko ang mga kamay ko. Nakangising tumingin ako sa kaniya.
"Tsk! Tsk! Tsk! Poor you. Kung tinapos mo ng maaga ang iyong mission. Hindi mag-cro-cross ang landas nating dalawa." bagot kong saad sa hangin.
Lumapit ako sa mesa saka kinuha ang wine glass. Binasag ko ang kinuha kong wine glass malapit sa kaniya. Nakita ko ang kaniyang baril. Nilapitan ko ito at kinuha saka inilagay ang bullet dito. Pagkalagay ko mabilis kong kinasa ang baril.
Lumapit ako muli kay Professor Lame este ni Essie. Itinutok ko ang kaniyang baril sa kaniyang ulo saka kinablit ang trigger. Pagkatapos, inilagay ko sa kamay niya ang baril.
Nilasan ko na rin ang kaniyang lugar nang matiyak kong tapos na ang trabaho ko. Lumabas ako mismo sa pintuan ng kaniyang apartment saka balewalang tumungo muli sa room ko.
Si Essie Gaviz ay isa sa mga papatay kay Professor Khair. Ngunit bigla na lang siyang nag-quit bilang killer niya, ngunit nitong mga nakaraang linggo lang ay nagsisimula na siyang kumilos. Nalaman kong nanganganib ang buhay ng kaniyang pamilya oras na hindi pa nito matapos ang kaniyang mission.
Siya ay nakatira hindi kalayuan sa room apartment ni Professor Khair. Kung ako ay magkalapit lang, sa kaniya ay may tatlong kuwarto lamang ang pagitan. Matagal ko na rin siyang sinusubaybayan.
Malaking bagay din ang pangit na ugali ni Professor. Isa sa mga ugali niya ay ang hindi pagtanggap ng pagkain sa iba. Kung tatanggapin niya man ito. Itatapon niya lang din ito kapag tumalikod na iyong taong nagbigay.
One time, nagbigay ng pagkain si Essie at iyong pagkain ay nilagyan niya ng lason. Tinapon ni Professor Khair ang pagkain sa harapan niya mismo.
Ang dahilan din kung bakit lagi akong nakasunod, at nakabuntot kay professor ay dahil kay Essie. Marami siyang mga trick na ginawa. Sinubukan niya na ring patayin ito ngunit bigo siya dahil naagapan ko.
Wala pa sana akong balak na patayin siya subalit aalis ako. Hindi ko na siya masusubaybayan kaya no choice ako.
Bumagsak ako ng nakadapa sa higaan. Humugot ako nang malalim na hininga. Mas gugustuhin ko pang maging assassin kaysa maging bodyguard. Nakakaubos ng enerhiya ang magbuntot. Sa hired assassin ay isang galaw lang tapos agad ang trabaho.
Ipinikit ko ang mga mata ko at kalaunan ay hindi ko namalayan na nakatulog ako ng tuluyan.
************
Hihikab-hikab akong lumabas ng pinto. Napalingon ako sa kanang direksiyon. Marami kasing papunta roong mga tao. Nagulat ako ng mayr'ong humila sa akin. Pagtingin ko si Professor Khair lang pala.
"Anong mayr'on?" inosenteng tanong ko kahit alam ko kung ano pinagkakaabalahan nila.
Sumunod ang mga paa ko ng lumapit din siya sa mga nakiki-isyuso. Sumama ako sa kaniya hanggang sa makapasok kami sa loob. Saktong kalalagay pa lang ng bangkay sa stretcher. Nakita ko ang pagtakip nila ng puting tela sa katawan ni Professor Lame.
Lumapit si Professor sa mga pulis. Nag-usap sila about something. Narinig kong walang bakas silang nakita at ang conclusion ng mga pulis ay suicidal ang nangyari.
Tiniyak kong malinis ang bawat galaw ko. Kaya alam kong hindi nila ito malalaman, maliban na lang kung aamin ako.
Napalingon ako muli kay Professor Khair na kasalukuyang palabas na. Kaagad akong sumunod sa kaniya. Tahimik lamang na bumababa siya ng hagdan ngunit nagulat ako ng bigla siyang huminto at tumingin sa akin.
"What?" takang tanong ko.
Tumingin muna siya sa paligid, then sa akin ulit.
"Did you killed her?" prangka at diretsong tanong niya.
"What?" gulat kuno kong response.
"Pinagbibintangan mo ba ako? Oo nga't bodyguard mo ako pero hindi ako kikilos kung wala ka mismo sa panganib, noh." depensa ko.
"You were the first to go home yesterday." mapanghinala niyang tanong ulit.
"I felt sick so I went home early. At saka, alam ko bang nasa iisang apartment lang kayo nakatira." wika ko,
Ilang segundo niya akong sinuri at tinitigan. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Tinalikuran na niya ako at muling nagpatuloy sa pagbaba. Naiiling na sumunod ako sa kaniya.
Sabay na pumasok kami sa bus at hindi nagtagal ay narating na namin ang campus. Nang matiyak kong okay naman siya at wala akong napansin na umaaligid-aligid sa kaniya. Pasimpleng umalis ako. Sa isang hindi mataong lugar, nilapitan ko ang aking kotse. Pumasok ako sa loob saka kaagad na mabilis na pinaandar ang kotse.
Khair's P.O.V
Nakauwi na ako ng apartment pero hanggang ngayon wala pa rin akong nakikitang Carys. Hindi siya pumasok ngayong araw sa mga klase ko. Ito ang unang beses na ginawa niya ito na hindi siya pumasok pero bigla na lang siyang susulpot sa harapan ko tuwing oras ng uwi ko.
Ipinilig ko ang aking ulo para mawala siya sa isipan ko. Ano naman kung hindi ko siya nakita ngayon.
Napadako ang tingin ko sa terrace. Sumenyas ako kay Vlaze na pumasok siya. Sinunod niya ang inuutos ko. Pagkapasok niya pa lang ay inabot niya na kaagad ang isang brown envelope.
Kinuha ko ito at tumungo sa sala saka umupo sa couch. Binuksan ko ang envelope at binasa ang nakaulat sa papel na hawak ko.
Name: Carys Aphra Thatcher
Age: 24 years old
Status: Unmarried
Job: Bodyguard
Mother: Zea Thatcher
Father: unknown
And so on
Kumunot ang aking noo dahil ito lamang ang nasa loob.
"Patawad, master. Iyan lamang ang nakalap kong information tungkol sa kaniya. Masiyadong naka-private ang tungkol sa kaniya. Wala akong nakuhang mga taong related sa kaniya. Tanging si Ms. Zea Thatcher at ang iyong ina ang kaniyang nakasasalamuha." mahabang paliwanag ni Vlaze.
Biglang sumagi sa isip ko ang pagkamatay ni Professor Lame. Wala akong napansin na kakaiba sa paligid nang pumasok ako kanina. Ngunit napaka-impossibleng suicidal iyon.
Muli akong tumingin sa hawak ko. Dumako ang tingin ko larawan ni Carys. Ibinalik ko ang papel sa brown envelope.
"Leave," maikling wika ko.
Mabilis siyang nawala sa kaniyang kinatatayuan. Si Vlaze ang pinakamagaling na tauhan ko. Walang information ang hindi niya nakukuha ngunit ngayon ay bigo siya. Ito ang unang beses na nag-report siya sa akin ng ganito lamang. Hindi niya rin ito nagawang patayin.
Sa lahat ng naging bodyguard ko. Sa kaniya lamang ako nahirapan ng ganito.
Who are you, Carys?
Why you are so secretive?