Carys P.O.V Pagkalabas pa lang namin sa kotse. Nagsimula ng mabuhay at masiliparan ang mga bubuyog ng University of Botanical Sciences. As usual, ang bulungan ng mga studyanteng hindi mamatay-matay. Ang laki ng issue nila sa tuwing nakikita nila kaming magkasamang dumarating ni Professor. Bukod sa mga bulungan nila, maging ang mga mata nilang nagiging matalim pa sa laser kung makatingin. Tumingin ako kay Professor. Tahimik at tila wala siyang naririnig sa paligid niya. Lihim na nagkibit-balikat na lang ako. Nag-iba ako ng direksiyon at iniwan si Professor. Papunta akong restroom. Agad akong pumasok pagkatapat ko sa pinto. Pumasok ako sa unang cubicle. Agad akong umupo sa bowl. Nang matapos ako sa pag-ihi, pinondot ko flash at pagkatapos lumabas sa cubicle. Pagkalabas ko mayr'

