Khair's P.O.V "I'm sorry, Professor Khair." Rinig kong pakiusap ng isa sa mga nanakit kay Carys. "Please! Ayokong ma-expell." sabay-sabay na sabi ng tatlo. Nakikinig lang ako sa mga pagmamakaawa nila habang nakatayo rito sa tapat ng bintana. "Pangako, hindi na mauulit." patuloy na wika nila. Wala akong pakialam kung ano pa ang pakiusap nila. Nang makita ko kung ano ang ginawa nila kay Carys kahapon. Kumulo ang dugo ko. Kung hindi ko lang nagawa na pakalmahin nang maaga ang galit ko ay baka hindi sila nagmamakaawa ngayon. Hindi lang expelled ang ginawa ko sa kanila. Lahat ng mga negosyo ng pamilya nila ay pinabagsak ko. At kahit saan silang paaralan pumunta, walang tatanggap sa kanila. "Dean, please give us a chance. Please!" patuloy nilang sambit. "I'm sorry, ladies. You ma

