Dashna P.O.V "Okay ka lang ba, Dashna? Nakikipag-contest ka ba sa Palakihan ng eyebags? Ilang araw ka bang hindi natutulog?" nakangiwing tanong ni Fana, my manager. "Seven days," inaantok na sagot ko. "At bakit naman? Huwag mo sabihing gabi-gabi kang hindi pinatutulog ni Raphael." taas kilay niyang tanong na ikinataas ng kilay ko rin. Nadampot ko ang sponge sabay tapon sa mukha niya. Nailagan niya naman ito. Kasalukuyan akong nasa dressing room habang minimake-upan. Mayr'on kasi akong photoshoot today, pero wrong timing, e. Kung kailan nangingitim ang eye bags ko. Hindi ako makatulog sa kadahilanang gabi-gabi akong minumulto ni Aphra. Bawat pikit ng mga mata ko ay mukha niya ang nakikita ko. Sa kuwarto ng anak ko na rin ako natutulog para ma-secure ko ang kaligtasan niya. Walan

