Cary's P.O.V Gumuhit ang malamig na ngiti sa aking labi pagkatapos kong marinig ang pinag-uusapan nila. "Hey! Mind your own car." silyak sa akin ng may-ari nitong kotseng sinasandalan ko. Tinanggal ko ang suot kong ear plug sa kaliwang tainga ko. Dumako ang tingin ko sa kaniya. Dumako ang tingin ko sa paa niyang humakbang paatras, maging ang paglunok ng laway niya ay nakita ko. Blangko, seryoso at malamig akong tumingin sa kaniyang mukha. "Aphra e-este C-Carys." nauutal niyang bati sa akin. Akala ko apat lang ang hinayaan kong mabuhay pero mukhang mayr'ong isang nagtatago. Napahawak siya sa kaniyang batok. Hindi naman malamig dito sa parking lot pero pinagpapawisan siya nang husto. "A-anong ginagawa mo rito?" tanong niya tila hindi napapakali. Palingon-lingon siya sa pali

