Dashna P.O.V "H-hindi! Patay ka na! Patay ka na! Multo ka na lang!" hestirikal ko. "Ouch naman," Nakita ko ang pag-alis niya sa pagkakasandal. Napaatras ako ng unti-unti na siyang lumalabas. Mas nanlaki ang mga mata ko nang tuluyan ko na siyang makita. "B-bakit? Bakit mo nagawa sa akin 'yon?" naiiyak niyang sambit habang papalapit sa akin. "L-lumayo ka sa akin." pagtataboy ko sa kaniya. Takot ang nararamdaman ko. Basang-basa ang mukha niya habang duguan. Maraming pasa, tumingin ako sa kaniyang kaanyuan. Halatang galing siya sa hukay. "N-no! Stay away from me!" nangingiyak kong saad. "Dashna, bakit? Magkaibigan tayo 'di ba? Pinagkatiwalaan kita pero bakit mo ako pinatay." ani niya sa malamig na boses. Patuloy ang paglapit niya. "R-Raphael." mahinang tawag ko. Sa wakas

