Carys P.O.V Marahan at unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Una kong nakita ay ang kisame. Inangat ko ang kamay ko. Napairap ako nang makita ko ang mga nakakabit sa akin. Bumangon ako sa pagkakahiga. Napahawak ako sa likuran ko, at saka tumingin ako sa paligid ko. Huli kong natatandaan ay nakababad ako sa bathtub. Mukhang natanggal na ang bala sa likuran ko. Inalis ko ang mga nakakabit sa akin at balewalang bumangon. Patungo na sana ako sa pinto nang mapatingin ako sa damit ko. Pang-patient na damit ang suot ko. Kumuha muna ako ng damit saka nagpalit. Pagkatapos ko, lumabas ako ng kuwarto. Narito pa rin ako sa hotel kung saan ako naka-check in. Una kong nakita ay si Win na nakaupo sa one single couch habang si Professor nasa L-shaped couch busy in something. "What are you d

