Lovielyn P.O.V "Good evening, madam." bati sa akin ng mga kasambahay dito sa mansion. Dito sa mansion, tanging ako, goons, at mga kasambahay lang ang nakatira. Wala kasi rito si Carys. Tanging ngiti ang itinugon ko sa kanila. Wala kaming ginawa ni Khenna ngayong araw kun'di ang mag-shopping. Kaya ang resulta, pagod ang aking katawang lupa. Dumeritso ako sa hagdan saka umakyat dito hanggang sa marating ko ang kuwarto ko. Pagkapasok ko, nilapag ko sa kama ang dala kong mini bag. Tinanggal ko rin ang suot kong scarf. Habang tinatanggal ko ang scarf, napadako ang tingin ko sa aparador kung saan nakalagay ang mga larawan. Nahagip ng mata ko ang isang picture frame. Nang matanggal ko ang scarf, binitawan ko ito at hinayaang bumagsak sa ibabaw ng kama. Marahan akong lumapit kung nasaan

