Lovielyn P.O.V Kahit kailan ay hindi ko makalilimutan kung paano nawala ang asawa at anak ko. Nang gabing iyon ay pauwi na kami. Galing lang namin sa amusement park. Kahit kaiisang taon pa lang ang anak namin noon ay dinala na siya agad ni Aph sa amusement park. Nasa front seat kaming mag-asawa habang si Aphrodite ay nasa backseat mahimbing na natutulog. Safe siya sa likuran dahil mayr'on siyang suot ng seatbelt. Marahan lamang ang pagpapatakbo ni Aph sa kotse. Simula ng nagbuntis ako kay Aphrodite ay naging katamtaman ang pagmaneho niya lagi. Nakangiting pinagmamasdan ko si Aphrodite sa likuran. Ang sarap kasi ng tulog niya. Ganoon lamang ang senaryo namin hanggang sa napansin kong biglang bumilis ang pagmaneho ni Aph. Nakita kong may nakasunod sa amin. Panay ang tingin ko noon k

