Khair's P.O.V "Tama ba ako ng nakikita, Lovielyn?" Rinig kong wika ng kilala kong boses. Napalingon ako sa kanila. Finally! Narito na ang taong hinihintay ko. "Tita Khenna," bati ni Win saka kumaway kay mom. Tumayo na ako at saktong pagtayo ko ay ang pagtakbo niya palapit sa akin. Agad ko siyang sinalubong ng yakap. "Oh my god! Totoo ba talaga ang nakikita ko? Hindi ako nanaginip 'di ba? Talaga bang nakikita at nahahawakan kita, Evanser?" sunod-sunod niyang wika. Hinawakan ko ang kaniyang kamay saka inalis sa pagkakahawak sa aking braso. "It's me. You are not dreaming." casual na sambit ko. "Talaga?" teary-eyed siyang yumakap sa akin. Wala akong nagawa kun'di ang yakapin siya pabalik at marahang tinapik ang kaniyang likuran. "Hush now, mother." saad ko, Tumingin ako k

