Khair's P.O.V Kasalukuyan akong nakasandal sa wall ng elevator habang iniisip ko ang lahat ng nalaman at narinig ko kay Tita Lovielyn kung paano niya natagpuan si Carys. Napa-angat ako nang tingin sa elevator ng tumunog at bumukas ito. Napahugot ako nang malalim na hininga saka umalis sa pagkakasandal at lumabas na. Ginamit ko ang private plane ko para lamang mabilis na makabalik. Iyon nga lang, hindi ako puwedeng direct na maglapag sa mismong rooftop dahil makaka-attract ako ng mga atensiyon. Hindi ko pa puwedeng gamitin in public ang lahat ng access ko. I still need to be careful. This is not the right time to take action. Agad kong binuksan ang pinto ng condo namin pagkatapat ko sa pinto. Pagpasok ko, nakasara lahat ng ilaw. Napatingin ako sa watch ko to check the time. Narito

