Mahal Kita Rara

1460 Words

CHAPTER 17 BAKIKONG POV Nakita ko si Rara sa likod ng bakery. Nakaupo siya sa isang kahon ng harina, ang mga mata niya namumula at halatang bagong iyak. Ilang araw ko nang napapansin na tila may bumabagabag sa kanya, pero pilit niyang itinatago ito. Sa tuwing tatanungin ko siya, palaging “Okay lang ako” ang sagot niya. Pero ngayon, hindi ko na kayang magpanggap na hindi ko nakikita ang bigat na dinadala niya. Lumapit ako sa kanya, dahan-dahan, upang hindi siya magulat. "Rara," tawag ko. Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa lupa, ang mga kamay niya nakapatong sa kanyang mga tuhod, mahigpit na nakayakap sa sarili. Umupo ako sa tabi niya, hindi masyadong malapit, pero sapat para maramdaman niyang nariyan ako para sa kanya. "Anong problema? Sabihin mo na sa akin, please," pakiusap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD