CHAPTER 16 THIRD PERSON POV Sa mga sumunod na araw, lalong tumindi ang nararamdaman ni Bakikong para kay Rara. Kahit anong gawin niya, hindi niya mapigilang mapansin ang bawat galaw nito—ang paraan ng pagngiti niya, ang pagtawa niya na parang musika sa kanyang pandinig, at ang paraan kung paano siya magtrabaho sa bakeshop na punong-puno ng dedikasyon. Isang umaga, habang tahimik na nagkakape si Bakikong sa sulok ng bakeshop, napagpasyahan niyang hindi na kaya pang itago ang nararamdaman. “Hindi na puwede, Bakikong,” bulong niya sa sarili habang nakatitig kay Rara na abala sa pag-aayos ng mga bagong lutong ensaimada. “Kailangan mo nang sabihin sa kanya.” Habang lunch break, nagpasya si Bakikong na yayain si Rara sa rooftop ng bakeshop. Ito ang paborito niyang lugar tuwing gusto niyang

