Kahit kailan, hindi pala natin natatanggap na mamamatay na tayo. Tayo nga ba, o ako lamang? Matagal na simula ng malaman kong meron akong rare heart disease na ito. Sakit na unti-unting humihina ang t***k ng puso. Sakit na kahit kailan ay pwede ng tumigil ang puso sa pagtibok. Kaya noon pa man, tinanggap ko na sa sarili na hindi na ako magtatagal. Na hindi ko alam kung kelan ako titigil sa paglaban sa buhay, at kahit kailan ay pwede na lamang ako matumba kahit saan. Mapait na lamang akong napapangiti sa tuwing iniisip na may iiyak nga ba sa burol ko? May maghihinagpis ba? May masasaktan? May dadalaw ba sa puntod ko? Minsan napapaiyak ako kapag na-imagine ko ang puntod ko na madumi, mataas na ang mga d**o, napabayaan at napaglipasan ng panahon. At oo, mataas ang posibilidad na ganoon ang

