"Stop crying na po, please.." Napahikbi ako at pilit silang pinatahan. Nakaupo sila sa sofa na malapit sa kama ko. Hindi pa rin ako nadischarge dahil kailangan. I need the support of this hospital. Magkayakap si Ate Alyna at Mommy. Nasa magkabilang gilid naman si Daddy at Kuya na tahimik na umiiyak at pinapatahan si Mommy. "I'm sorry.." Ulit-ulit na saad ni Mommy. Napa-iling ako at pinalis ang mga luha. "I'm sorry Mommy...nasasaktan ko na naman kayo. H-hindi ko naman po ginusto 'to eh. Patawarin niyo ako..Mom, Dad. Sa inyo rin Ate, Kuya." Saad ko at itinakip ang palad sa mukha. "Kasalanan ko 'to. Dapat hindi ako nagpauna sa galit. H-hindi ko man lang nasubaybayan ang paglaki mo. Hindi ko man lang alam ang mga paborito mo. A-at hindi ko man lang alam na m-meron ka niyan..." aniya. Humag

