"Jaycee Vera and Hatey Faye Aragon."
Napakunot-noo ako nang tawagin ang pangalan ko kasama ang ibang pangalan. I requested to our professor na magsasarili na lang ako ng paggawa sa research but he still paired me with someone. Some of my classmate looked at me with a hint of envy on their eyes. Jaycee? It sounds familiar?
My eyes widened when I finally recognized his name. Oh, their so-called hearttrob? Kaya pala naiinggit sila. As if I'm happy. Sa totoo lang natatakot ako. Jaycee is a silent type of guy and his aura shows that he is kinda dangerous. Ano ba 'yan, bakit kasi kailangan i-pair pa ako?
Bago lumabas ang prof ay lumapit siya sa akin saka ngumiti.
"Napansin kong ilag ka sa mga tao and Jaycee as well. Hindi kayo mahilig makipag-socialize. So I decided to pair you. You both are already first year college, dapat matuto na kayo makipag-socialize. I hope merong progress after this," aniya saka ngumiti at umalis.
Hindi man lang ako hinayaan magreklamo. Nanlulumong napaupo ako saka natulala. What to do now? Ah, pwede ko nalang sabihin na ako na lang ang gagawa. Tapos isasama ko na lang siya! Tama.
Pumunta ako sa comfort room saka naghugas ng kamay. Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin. I am already wearing contact lense. I used brown contact lense na mukhang natural lang. Kaya hindi na ako na-bu-bully unlike no'n. Many approach me to be friends pero ako ang umaayaw. I am afraid that I will be taken for granted again. I think I had trauma, na kapag lumalapit sa akin ay naiisip ko na may hidden agenda. Kaya naman wala akong kaibigan. I stay being alone. I am just always praying for my family's love and attention. Sila lang, I would be happy forever.
Lumabas ako ng comfort room at naglakad paalis nang mapansin si Jaycee na nakasandal sa pader habang nakasuot ang earphone sa kaniyang tenga. Nakapamulsa siya saka walang emosyon na nakatingin sa sahig.
His black charcoal eyes are looking straight to the floor like it is the most interesting thing in this world. Mas lalo lang na-emphasize ang matangos niyang ilong dahil sa pag-side view. His tongue licked his thin red lips. Matangkad siya at mayroong kayumangging balat. He is almost perfect and many girls are drooling because of his undeniable gorgeousness. Marami ang nagkakandarapa sa kan'ya but I'm not one of them.
Napa-iling ako saka nagsimula ulit humakbang paalis. Bakit ko nga ba dinidescribe ang lalaking 'yon?
Muli akong napatigil nang maramdaman ang paghawak sa braso ko upang mapigilan sa paglalakad. My forehead creased saka nilingon ang kung sino at napataas ang kilay nang makita ang seryosong mukha ni Jaycee.
"Why?" I asked.
"About the project," he answered. Napatango naman ako saka humarap sa kanya. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa braso ko at tumingin sa akin na tila naghihintay.
"Ako na lang ang gagawa. I-sesend ko na lang sayo ang copy para ma-review mo para baka sakaling kailangang i-report, alam natin pareho," sagot ko at hinawi ang nakatakip na mga hibla ng buhok sa mukha ko. Kita ko ang pagsunod ng mata niya sa ginawa ko.
"We must do it together," aniya na nagpakunot muli ng noo ko.
"Bakit? Kaya ko naman, eh. Ayaw mo no'n, wala kang gagawin?" tanong ko.
"I am responsible. Dapat gawin natin ang kung anong naka-atas," aniya.
I bit my lower lip to suppress my annoyance.
"Okay, i-sesend ko na lang kung ano ang na-isearch k--" he cut me off.
"Bakit ayaw mong gawin natin nang magkasama? You do like me, don't you?" aniya saka siya ngumisi. Napaismid naman ako dahil sa sinabi niya.
"Of course not. It's just tha--"
"Then we will do it together. Chat me on f*******: kung kailan tayo magsisimula," he said saka ibinalik ang earphone sa tenga niya at nakapamulsang umalis sa harap ko.
Argh, nakakainis. Ayoko lang naman kasi na maissue na naman 'to kina Mommy. Kaya nga lumalayo ako sa mga lalaki, kasi kapag may lumapit at nakita nila, iisipin agad nila na boyfriend ko.
Hays, nevermind. Bahala na, kailangan gawin, eh. Ayaw ko naman na bumagsak.
Tumingin ako sa pambisig na relo saka naiinis na nilingon ang paligid. He's already late. Napag-usapan namin na susunduin niya ako rito sa 7-11 dahil 'di ko naman alam ang bahay nila. Do'n na kami gagawa sa kanila. Hindi pwede sa amin dahil iba ang takbo ng isip nila do'n.
Nakahinga ako nang maluwag nang makita na siyang papalapit. Naka-dark blue na shirt and black jeans. His clothes are simple, pero marami pa rin ang naaagaw ang pansin sa pagdaan niya. Napa-ismid ako sa mga babaeng nagbubulungan pero rinig na rinig naman. Tungkol sa kagwapuhan ng lalaking nasa harap ko ang pinag-uusapan nila. Nadismaya naman sila nang makita ang paglapit ni Jaycee sa 'kin.
"Late ka," inis kong saad.
"Bakit ganyan ang suot mo?" tanong niya.
Yumuko ako saka tinignan ang damit. Nothing is wrong on my outfit. Gray sleeveless na damit tapos black skirt na above the knee. Naka-doll shoes pa.
"What's wrong?" Takhang tanong ko.
"Tss, pinagpipyestahan ka ng mga lalaking dumadaan," inis niyang saad.
"Kahit magbalot pa ako ng suot, kung m******s ang lalaki, m******s pa rin yan," saad ko saka siya inismiran.
He pinched the bridge of his nose.
Oh, one of his mannerism when he is annoyed.
"Halika na nga. They are feasting on you," saka ako hinila papunta sa kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto saka itinulak papasok. Ilang sandali ay nasa loob na rin siya at ini-start ang engine.
"Gentleman na sana, nanulak pa," bulong ko.
"What?" tanong niya at sandaling bumaling sa akin bago muling itinuon ang pansin sa daan.
"Wala," sagot ko saka tumingin sa bintana.
Nanatiling tahimik sa loob ng kotse hanggang sa pumasok kami sa isang high-class subdivision. We stopped in front of a lively mansion.
Lumabas ako sa kotse saka inilibot ang tingin sa paligid. Maraming mga magagandang halaman na mayayabong at malulusog at iba't ibang kulay ng mga bulaklak na may matitingkad na kulay.
"Baby Jaycee!" Napatingin ako sa entrada ng mansion at nakita ang magandang babae na hindi pa katandaan.
She has the same feature with Jaycee except their eyes. I heard Jaycee cussed beside me. Dali-daling naglakad ito palapit sa amin at matamis na ngumiti sa akin.
"Ikaw ba si Hatey?" tanong niya. Tumango ako saka alanganing ngumiti.
"Oh. Nice to meet you, sweetie."
Nabigla ako nang yakapin niya ako nang mahigpit. I felt my eyes almost watered because of the warm I felt. Pakiramdam ko ay niyakap ako ng aking ina. I closed my eyes and cherished the moment.