Chapter 4

1201 Words
"For sure nakipagkita yan sa boyfriend niya," ani ate Aliah, dahilan para manlaki ang mata ko. Ngumisi siya at pareho ang ekspresyon ng mga katabi niya. Lalong nanlisik ang mga mata ni Mommy saka naglakad palapit sa'kin. Kumabog ang dibdib ko sa kaba dahil alam ko kung saan ito patungo. "Totoo ba 'yon?" galit niyang tanong na agad kong inilingan.  Kanino ako makikipagkita? Sa boyfriend? Ni wala nga akong kaibigan, kasintahan pa kaya? "Naglalandi ka na ba, Hatey?" sigaw pa ni Mommy.  As expected, she wouldn't believe me. "Walang po akong boyfriend 'my," mahinahon kong sagot na tila nagdagdag lamang ng galit sa mata ng ina ko. "Nakita ka namin ni Lyzza, you're with a guy. Holding hands pa nga eh," singit muli ni Ate Aliah. Umismid ito nang tinignan ko siya ng nagmamakaawang tingin para lang tumigil na siya. Alam kong sa ganitong sitwasyon ako ang talo. Ako ang agrabyado. Hindi ako papaniwalaan, kahit anong paliwanag ko. "Mukhang may pupuntahan nga sila ng time na 'yon. Who knows kung saan... Hotel or---" "Hindi 'yan totoo, Ate!" Napasigaw ako nang hindi sinasadya dahil sa pangbibintang niya na palala nang palala.  Nakatanggap ako nang malakas na sampal galing kay Mommy. Agad namanhid ang pisngi ko habang ang puso ay lalong kumikirot dahil sa mga nangyayari. "Gagawin mo pang sinungaling ang ate mo? Hindi siya tulad sayo na sinungaling. Wala ka na ngang kwenta, naglalandi ka na agad!" sigaw ni Mommy.  Ramdam ko ang pagtarak ng milyon-milyong kutsilyo sa puso ko. Her slap hurt me, pero walang-wala iyon sa sakit ng katotohanang walang tiwala sa akin ang sarili kong ina. Masakit sobra na sabihan ka niya ng masakit na salitang walang katotohanan. "Mommy naman, maniwala po kayo sa'kin. Walang po akong boyfriend! Bakit ba hindi kayo makinig sa akin, kahit ngayon lang? Bakit sila lang ang pinaniniwalaan mo!? Anak mo rin naman po ako, ah?" Tuloy tuloy ang pag-agos nang luha ko habang desperadong nagsasalita. Hindi ko mapigilang maglabas ng hinanakit dahil sa sobrang sakit at pait na nararamdaman. Napabaling ako sa kanan nang maramdaman ang isang malakas na sampal. Ramdam ko ang pag-putok ng labi ko at nalasahan ang sarili kong dugo.  Of course, mas malaki at mabigat ang kamay ni Daddy kaya mas masakit ang epekto ng sampal. But it also added pain in my heart. Ang sakit sa pakiramdam na mag-isa ka. Na wala kang kakampi. Walang naniniwala sa iyo. I'm alone. I am surrounded now by my family, but I am alone. "How dare you say that to your Mom! Wala kang karapatan na sagut-sagutin nang ganyan ang ina mo! Wala kang karapatang sumbatan siya lalo na't isa wala kang kwentang anak," ani Daddy. Pinadaan ko ang sariling dila sa pang-ibabang labi saka pinalis ang dugo at bumaling sa kanila.  My siblings are watching me with smirk on their lips. Dad is fuming mad as well as Mom. Lagi ko na lang nararamdaman ito, 'yung walang kakampi. Walang nasa tabi ko para ipagtanggol ako. Patuloy sa pag-alpas ang mga luha kong simbolo ng sakit na nararamdaman. I have my family, physically. Nandyan sila, ang pamilya ko na Aragon. But in heart, pakiramdam ko wala. Hindi nila ako tinatanggap bilang isang kapamilya nila. Bakit nga ba? Dahil ba sa mga mata ko? Nandidiri ba sila dahil sa disorder na ito? Pero hindi ko naman ginusto ito eh. O baka naman may iba pang dahilan? Why dp they hate me this much? "I don't want to see your face! Ayokong sasabay ka sa pagkain, ayokong makita ka tuwing nandito kami. I don't want to see any ugly and disgusting here in my house! Magkulong ka sa kwarto mo!" sigaw ni Mommy saka nag-martsa paakyat.  Ngumisi ang mga kapatid ko at umismid sa akin samantalang si Dad ay tinapunan ako ng nandidiring tingin saka umalis. Bumagsak ang katawan ko sa malamig na sahig saka mas dumaloy pa ang mga bumubuhos na luha. God, I will not give up yet. May chance pa 'di ba? Mamahalin pa nila ako 'di ba? Lord, please. Mas palakasin niyo pa po ako. Napapagod na kasi ako, eh. Ramdam ko na ang pagsuko ko. Ayoko pang sumuko, but my heart is already tired. Please po.... help me. "MAGKAKAROON ng party ang kompanya para sa opening. Gusto kong nasa inyo ang spotlight mga anak," rinig kong malambing na saad ni Mommy. "Of course, ako pa ba Mom. I'll be the most stunning on that party," ani Ate Aliah.  Inismiran naman siya ni Ate Alyna. "Tss, syempre ako rin." Then she flip her hair. Napailing si Kuya at Dad habang may mga ngiti sa labi. Bakas ang excitement sa mga mata nila. Napabuntong-hininga ako saka nagtago sa likod ng pader. Masaya talaga sila kahit wala ako. Hindi naman ako kawalan sa kanila, instead baka mas ikasasaya pa nila ang pagkawala ko. Samantalang ako, ang presensya nila ay napakahalaga. Kung maranasan ko iyon, isang napakagandang pabaon iyon para sa akin. And I will treasure that moment and I will never forget it. Ngunit mangyayari pa ba iyon? Muli akong sumilip at nagtama ang paningin namin ni Ate Alyna. Umismid siya saka uminom nang tubig. "May nakita na akong nakakadiri, nawalan na ako ng gana," aniya saka inilapag ang mga kubyertos. Napatingin sa pwesto ko silang lahat at gano'n kadaling nawala ang saya sa mga mukha nila. "Can you please go to your room, Hatey? Sinisira mo ang araw ko," ani ate Aliah. My heart clenched because of pain. Am I that disgusting that they can't stand to see my face? "Ano ba ang sinabi ko, Hatey. Talagang makulit ka, 'no? I said that I don't want to see your face, right?" Mom said.  Napayuko ako saka tumakbo paakyat ng kwarto. I throw myself on my bed saka hinayaang ilabas ang lahat ng sakit na naramdaman ko. Bakit hindi ka pa ba masanay, Hatey? Lagi ka nalang sinasaktan at paulit-ulit ka namang umiiyak. 'Di ba, dapat wala ng epekto ang lahat? Hinintay ko ang pagkalma ng sarili saka bumaba sa kama at kinuha sa ilalim ang malaking karton. Sa pagbukas ko ay bumungad sa akin ang mga medalya, certificates and ribbons ko. Napadako ang tingin ko sa mga libro. Ang mga published stories ko. Hindi man lang alam nila Mommy na sikat ang mga kwento ko. Ipagmamalaki kaya nila ako kapag nalaman nilang sikat ako sa likod ng pangalang Lovely? I felt my tears fell as I stare on my achievements. Kailan ko kaya makikita ang saya nila as they see my works? 'Yung medals ko, idi-display rin ba nila katulad ng trophies nila Ate at Kuya? Isinara ko ang karton saka isinandal ang likod sa kama. Bakit ba nangyayari ito? Why do I need to experience this kind of pain? Do I deserve this? Masyado na akong nahihirapan, eh. Masyado na akong nasasaktan. Bakit ba hindi nila nakikita ang halaga ko? Bakit walang makakita? I know everyone is important. Pero 'di ko maramdaman iyon. Mararamdaman ko pa nga ba iyon? Hangga't hindi pa nila sinasabi ang salita na tatapos sa pag-asa ko, kakapit pa ako. Aasa pa ako. Maghihintay pa ako. Kakayanin ko dahil hanggang ngayon, umaasa pa ako na someday they will care, love and treasure me. Maybe someday..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD