Nagmamadali akong lumabas ng kuwarto saka tumakbo pababa sa hagdan. Inabangan ko ang pagbaba nina Mommy para sa pag pasok sa trabaho. Puno ng pag-asa akong naghintay sa kanila, umaasa na ngayon ay pagbigyan nila ako. Minsan lang naman ako humingi ng favor. And this one will surely be appreciated. Sana...
Nnag makita sila na pababa ay napatuwid ako ng tayo at pinagmasdan ko sila habang hinihintay.
"So how's the deal, na-close mo ba, honey?" tanong ni Mommy kay Daddy at inayos ang neck tie niya nang tuluyan na silang makababa.
"I already closed it. So expect Mr. Hiroshi's big help. Mas ma-e-expand pa ang reach natin. Lalo na sa Japan," sagot ni Daddy.
Napangiti ako s apagkamangha habang pinapanood sila. May bahid ng ngiti ang mukha ni Daddy habang pinagmamasdan si Mommy. Kitang-kita ko na sa haba na ng relasyon nila, mahal na mahal niya pa rin si Mommy.
"Mom... Dad," kabadong pag-agaw ko ng pansin sa nila.
Ang kaninang masaya nilang ekspresyon ay napalitan ng malamig at blankong tingin. Lalo akong kinabahan dahil sa klase ng tingin nila but I pushed myself to smile at them.
"What is it?" masungit na tanong ni Mommy.
Tahimik na napabuntong-hininga ako saka umiwas ng tingin nang mahagip ang tila nandidiring tingin ni Daddy. Ramdam ko ang pag-init ng mata ko, hindi pa rin nasanay na makatanggap ng gano'ng tingin pero agad kong pinikit-pikit ang mata ko para mawala agad ang nagbabadyang luha. Tumikhim ako at huminga nang malalim.
"May meeting po para sa recognition ceremony namin next week, mamaya po. Lalo na daw sa akin, I have the highest honor Mom, Dad," masaya kong sambit. Ngunit unti-unti iyon napawi nang alam ko na ang sagot nila nang inismiran lang ako ni Mommy. Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko nang makita ang reaksyon nila.
"We have more important things to do than that. Stop bothering us, Hatey," malamig na utas ni Dad saka tumalikod. Agad sumunod si Mommy at tuluyang nawala na sila sa harap ko. Ilang sandali lang ay rinig ko na ang ugong ng papaalis na sasakyan.
Nanghihinang napa-upo ako sa sahig baitang ng hagdan. I bit my lower lip to suppress my sob. Matatapos na ako ng grade 10 next week. Walang graduation, instead we will have a recognition for the completion ceremony. I did my best para makuha ang pagiging top sa amin, hoping that this time, magiging proud na sila sa akin. Na baka tanggapin na nila ako dahil malaking achievement iyon. But I think I expected so much kaya nasasaktan ako nang ganito. So, aakyat ako ng walang mag-chi-cheer? Walang pamilyang proud?
I closed my eyes. Be positive Hatey Faye. Baka ngayon lang, sa meeting na they can't attend. Pero sa recognition, they will. Maybe.
INILIBOT ko ang tingin at inisa-isa ang mukha ng mga tao sa may left side kung saan ang upuan ng mga pamilya ng mga estudyante. They will attend, baka late lang. Be positive, Hatey, I convinced myself. Hindi naman siguro nila palalampasin ito since pride din ito ng isang Aragon. Another achievement for us.
Isa-isang tinawag ang top ten, but I still hoped na darating sila. Kitang-kita ko ang saya ng mga magulang nang makatanggap ang anak nila ng ilang medalya dahil sa iba pa nitong achievements maliban sa rank nito. I felt my heart clenched. Naiinggit ako, sobra. Would they have the same eyes kapag ako na? Pero tanga ka, Hatey. Paano mo malalaman kung kikislap rin sa saya ang mga mata nila kung hindi naman sila dadalo?
Nanghihinang napatayo ako nang tinawag na ang pangalan ko. Tumahimik ang paligid nang ako lang ang maglakad dahil ako lang ang walang kasama at ako lang siguro ang may hindi masayang aura. Ramdam ko ang pag-init ng sulok ng mata ko but I tried to smile. Pero peke na ngiti lamang ang naging resulta.
Nagpalakpakan ang mga magulang at bisita nang isa-isa ng sinabi ang mga award ko maliban sa pagiging first rank. Ilang ribbons at medals ang natanggap ko at bilang pinakamalaki ang value, the medal of first rank o valedictorian, the gold medal.
I felt one of my tears fell nang makita ang paghanga sa mga mata nang ilang mga magulang. Their smile are genuine and their eyes are showing hint of admiration. Maging ang mga panauhing pandangal. They gave me the feeling that I am expecting from my family.
Lumapit sa akin ang isang guro na pamilyar sa akin pero hindi ko kailanman naging guro. Nakita ko ang pag-alpas ng luha sa mga mata niya saka hinalikan ako sa noo.
"Don't cry, Miss. Your parents are surely proud of you. Baka may emergency na nangyari kaya wala sila," aniya saka niyakap ako. I cried on her shoulders because of the pain I felt. Ramdam ko na naaawa siya sa akin, I can feel her sympathy.
But I don't need their pity, I need the presence of my family.
NASA gilid lamang ako at pinagmasdan ang mga estudyante kasama ang mga pamilya nila na nagpapakuha ng litrato. Walang parangal o medalya na nakuha ang iba ngunit bakas ang kasiyahan sa mukha nila. Napatingin ako sa maraming medalya na nakasabit sa leeg ko.
All of these seem worthless and useless since my family are not here to appreciate my awards. Mas masaya sana kung nandito sila, masaya rin katulad ng iba. Pinagmamalaki ang natamo ng anak. And they will tell me how much they are proud to me. Muli akong napatingin sa kanila at naririnig ang tawanan nila.
"Let's go to Deluxe, we will celebrate!" masayang pahayag ng ama.
Tuwang-tuwa naman ang anak niya saka masaya silang naglakad papunta sa sasakyan. I sighed saka tumayo at aalis na sana ngunit napahinto ako nang may humarang sa daan ko. She's the teacher earlier on the stage. 'Yung iniyakan ko. Ngayon tuloy ay nakaramdam ako ng hiya.
Ngumiti siya na sinuklian ko ng alanganing ngiti. Nahihiya pa rin ako sa kan'ya.
"Magpakuha tayo ng litrato para remembrance," aniya at wala akong nagawa kung hindi ay tumango.
Tumawag siya ng photographer saka kami nagpakuha ng ilang shots na agad na-develop. Binigay niya sa akin ang apat na litrato at tatlo naman sa kanya.
"Thanks, Ma'am." Saad ko.
"It's okay. You're really an amazing girl. I admire you," aniya saka niyakap ako muli.
And I feel so loved and valued during that moment. Parang nakahanap ako ng kaibigan, kapatid at ina sa isang katauhan.
Bagsak ang balikat na lumabas ako ng sasakyan na sumundo sa'kin. Nagtagal ako sa school at umalis lamang nang magsasara na. Kaya inabot na ako ng gabi. Wala naman silang pakialam sa akin, kaya okay lang ito.
Pagbukas ng pintuan ay sumalubong sa akin ang nanlilisik na mata ni Mommy at blankong mata ni Daddy. Nakatago na sa bag pack ko ang mga medals, ayokong ipakita sa kanila. Masasaktan lang ako kapag hindi makitaan ng saya ang mga mata nila.
"Saan ka nanggaling?" Galit na sigaw ni Mommy.
Nakayuko lang ako at napa-angat lang ng tingin nang marinig ang yabag pababa ng hagdan. Sila ate at kuya pala. Nakangisi sila habang nakatingin sa akin.
"For sure nakipagkita yan sa boyfriend niya," ani ate Aliah, dahilan para manlaki ang mata ko,
Damn, 'eto na naman kami!