Chapter 2

1156 Words
"Really? Then magpabili ka sa kanya ng Iphone! I'm sure bibilhan ka niya agad." Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang mga bulung-bulungan sa bakanteng classroom. Hindi ko na sana papansinin at magpapatuloy na, nang marinig ang pamilyar na boses. Bahagya akong nanlamig, hindi alam ang dahilan pero may nagtutulak sa akin na making kaya iyon ang giawa ko. "Yeah, sure. Magpapaawa ako mamaya. Alam niyo namang uto-uto iyong si Hatey."  Kinabahan ako at pilit na inisip na kaboses niya lamang iyon. Hindi niya magagawa sa akin ito. Dahan-dahan akong naglakad at patagong sumilip sa bintana para kumpirmahin ang naiisip. Lumapat ang kamay ko sa bibig upang pigilan ang pagsinghap. May namuong bikig sa aking lalamunan and during those moment, breathing became hard for me. I feel so betrayed. Ang nag-iisa kong kaibigan... Ang inakala kong taong minamahal at itinuturing akong kaibigan ay... ginagamit lang ako. How could she do this? She's Trisha Reynes. I suddenly remember how I met her. She came from a poor family, scholar lamang siya dito sa paaralan na pinapasukan ko. Nagulat ako, first day of class as a grade nine student ay nilapitan niya ako. "Ikaw lang kasi yung mukhang mabait. Alam mo naman, transferee lang ako," nahihiyang saad niya. Natulala ako noon, hindi makapaniwala na may gustong makipagkaibigan sa akin. Unti-unti akong naabawi at gumuhit ang ngiti sa aking labi. And since that day ay pinahalagahan ko na siya since she's my first friend in school. Wala kasing nais makipagkaibigan sa akin. Marinig pa lamang kasi ang Aragon na apelyido, they will get intimidated. Our family is quite known not only in Philippines but also internationally. Aragon owns chain of hotels and restaurant. But instead na hahangaan nila ako, katulad kila Mom, Dad, Ate and Kuya, hindi gano'n ang nangyayari. They have known me as an orphan, since wala namang pinakilala sila Mommy na pang-apat na anak. I also have different color of eyes. I have heterochromia. Magkaiba ang kulay ng aking mga mata. The right one is brown while the other is blue. And I look weird for them. Parang pinandidirihan nila ako ng dahil do'n kaya naman wala talagang nagtangkang lumapit sa akin. At ang pakikipagkaibigan niya sa akin ay napakalaking bagay sa akin. I loved Trisha so much that I treated her like my sister. I gave everything to her na makakaya ko. Ako ang nagbabayad kapag may expenses siya, also her meals at kapag may gusto siya. I spoiled her so much dahil sa takot na mawala siya sa akin. She's the first person who valued and loved me. At iyon ang naiisip kong paraan para matulungan siya lalo na't naghihirap sila ng pamilya niya. Binibili ko ang kahit ano para sa kaniya, kahit iyong mga hindi ko na tungkulin.  Mayroon kasing ibinigay sa akin na credit card si Mommy. Kahit naman hindi niya ipinaparamdam sa akin emotionally and mentally ang presensya niya, hindi siya nagkulang sa pinansyal. May part time din ako bilang virtual assistant na malaki ang kinikita at walang problema kahit hindi pa legal ang edad ko. I have the means to give things to her.  Until that day na nalaman kong ginagamit niya lang ako para sa mga luho niya. Kaya pala pabili siya nang pabili ng branded clothes and shoes na mas maganda pa sa meron ako. Isinasawalang bahala ko na lang iyon, because I thought na sabik lang siya maranasan ang mga ito. Pero mas masakit malaman na peke lang pala ang lahat. It's just for the sake of luxury kaya lumalapit siya sa akin. It is all fake...  "H-hatey..." bulong ng kasama niya at namumutlang tumingin sa akin. Napalingon na rin ang iba, pati si Trisha na tila naubusan ng kulay ang mukha.  Mabuti na lang at mabilis kong napunasan ang mga luha na umalpas mula sa mga mata ko. Naglakad ako sa may pinto ng classroom na sila lang ang laman saka binuksan iyon at bahagya akong pumasok. "So, that's it? Para lang pala sa mga luho ang paglapit mo sa akin?" sarkastiko kong tanong saka malamig na tinitigan ang mata niya.  She once said na masarap titigan ang mata ko dahil napakalambot at bait daw tignan nito. Pero nasabi rin niya noon na nakakatakot tignan ang mga mata ko kapag walang emosyon kaya gano'n na lang ang pag-iwas niya pati ng mga kasama niya sa titig ko ngayon. "You even have the audacity to brag about it. Well, don't worry, you're not a big loss," mariin na dagdag ko saka tumalikod at hinayaang bumagsak ang mga luhang pilit kong pinigilan. And what I've said is not true dahil malaki siyang kawalan. I treated her as my sister even not by blood but by our heart. But then... everything is fake. She's a gold digger. Hindi ako magpapakatanga at hahayaang gamitin lang niya ako. Sabik ako sa pagmamahal at minsan ko iyon na naramdaman kay Trisha, pero pagod na akong masaktan kaya hindi ako papayag na tuluyan pa niya akong gamitin. Several weeks passed, Trisha was kicked out dahil sa tangkang pagnakaw niya sa iPad ng teacher namin. At matapos no'n ay sunod-sunod na naglutangan ang mga biktima niya na nawalan ng gadgets. Kapagkuwan ay napatunayang siya nga ang may sala. She was jailed that time. Kahit menor siya ay nagawan ng paraan para ipakulong siya. I don't know how, but I think due to power and money. Mayayaman ang binangga niya at iyong mga hindi palalagpasin ang kaniyang kasalanan. Mahalaga siya sa akin kahit sinaktan niya ako kaya tinubos ko siya. I look at her emotionlessly kahit sa loob-looban ko ay naaawa at nasasaktan ako para sa kanya. Nagulat ako nang lumuhod siya sa harap ko matapos niyang makalaya. "I'm sorry, Hatey. Para sa lahat... I don't deserve your help dahil sinaktan kita, niloko at ginamit kita. But you're really an angel. You deserve to be loved. Deserve mo ang lahat ng meron ka. Tanga ang lahat ng hindi nagpapahalaga sa iyo and I am one of them. I'm so sorry, Faye," aniya saka umiyak sa may tuhod ko.  Napakurap ako at gustong sapuin ang dibdib nang maramdamang tila pinipiga iyon sa sakit ng sitwasyon ngunit nanatili akong matigas. Wala pa rin akong ipinakita s akaniyang emosyon nang patayuin ko siya mula sa pagkakaluhod. "Start again with your mother. I may not forget what you've done but I already forgave you. Take care and goodbye, Trisha," saad ko saka inilagay sa kamay niya ang sobre na may laman na pera para makatulong sa kanila ng kanyang ina.  Narinig ko ang paghagulgol niya ngunit diretso akong umalis at hindi na muling nilingon siya. This is life. May mga darating sa buhay mo and some of them are not meant to stay but they will teach you a lesson. Lesson that you can use and will make you stronger. Trisha hurt me so much, but our memories will remain and she will always have space in my heart. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD