Jay’s POV
Kaliwa’t kanan ang naging meeting, strategic planning at resolution plan ang ginawa ng binata sa buong araw.
Nalimutan pa niyang ma icharge ang cellphone kaya ay lowbat siya ngayon.
Mamaya na lamang niya tatawagan si Kim pag uwi sa hotel.
Mag aalas 7 na ng gabi ng matapos si Jay sa lahat ng meeting.
“Jay, let’s grab dinner before bumalik ng hotel”, anas ni Sab. Narito rin ang babae dahil magka sosyo ang kompanya nila dito sa Cebu. And they are working side by side since morning along with the management team.
“Okay!”, maikling sagot ni Jay dahil may tinapos pa siyang isang documento.
“Taya ko na! your call saan tayo kakain!”, anas pa ng babae.
Tiniklop na ni Jay ang laptop at nag handa ng umalis.
“Sa Ayala na lang tayo, let’s check some resto there!”, anas ni Jay.
“Okay, let’s go!”, at nag patiuna ng naglakad palabas ng Building ang babae.
Sa Seafood Island Crab house sila nagpunta.
“Sab, do you have a powerbank? I forgot to bring mine and My phone died already, Can I borrow kahit saglit lang, makatawag lang ako sa bahay”, anas ng binata habang naghihintay ng order nila.
“Yep! Pero 100 pesos per minute ang charge po”, sagot naman ng babae.
“Grabi ka naman sa presyohan! nanglalamang ka na ng kapwa tao niyan!”, natatawang wika ng binata.
“You can afford it naman, why nag rereklamo ka sa presyohan ko!”, natatawa na ring sagot ng babae at iniabot na sa binata ang dalang powerbank.
“If I have other option, hindi talaga ako hihingi ng pabor sa iyo, kahit kailan!”, umiiling-iling na wika ng binata habang isinaksak ang charger doon sa telepono.
“I will just go real quick sa banyo Sab!”, wika ng binata bago tumayo at nagtungo ng comfort room.
“Okay, sige!”.
Maya-maya ay tumunog ang cellphone ng binata. Nagpalinga-linga si Sab, wala pa ang binata.
Sinipat ni Sab kung sino ang tumatawag.
Kimmy at may heart emoji pa.
‘Ah! ito yata ang kinababaliwan ng kaibigan’, sa isipan ni Sab. At may ideyang naisip ang babae. Ano ba naman ang lagyan niya ng kaunting problema sa relasyon ang kaibigan, para dalawa na silang sawi sa pag-ibig after.
Natatawa si Sab sa naisip.
Kaya ay sinagot na niya ang tawag.
“Hello? asan po si Jay?”, takang tanong ng babae sa kabilang linya.
“He’s currently in the bathroom right now! May I know who’s calling? I can relay your message”, sagot niya dito.
“Ah, hindi na, tatawag nalang ako ulit”, sagot pa ng babae bago ibinaba ang tawag.
Natatawang ibinalik na ni Sab ang telepono ng binata.
Pihong mag-aaway ang mga ito mamaya. Will having a little fight will spice up the relationship anyway.
At ilang segundo lang ay bumalik na sa mesa si Jay.
At husto ring naroon na ang pagkain nila.
“I will just make a call real quick, mauna ka ng kumain Sab!”, anas ng binata at naglakad palayo sa mesa sa hindi naman kalayuan.
Ngunit wala pang ilang minuto ay bumalik agad ito.
“Oh, bilis mo namang bumalik!”, nag tatakang wika ng babae.
“Hindi ko makontak si Kim, nakapatay ata ang telepono, maaga pa naman kung sakaling tulog na ito”, may pag-aalalang wika ng binata.
Lihim na nag sisisi ni Sab sa ginawa kanina ngayong nakita niya ang kaibigang nag -aalala.
Pero hindi siya aaming tumawag kanina si Kim.
Siguradong nag selos iyon kaya hindi sinasagot ang tawag ni Jay.
“May kasama ba si Kim sa bahay, yun ang tawagan mo baka sinadyang pinatay ni Kim ang telepono dahil ayaw kang kausapin!”, suhistyon ng dalaga.
“Oo nga, tawagan ko si Nanay Luz!”, at nagmamadaling tumayo ulit ang binata at nag punta sa hindi masyadong maingay.
At maya-maya pa ay bumalik na din ito sa mesa.
“O, anong sabi?”, tanong ni Sab sa kaibigan.
“Masama daw ang pakiramdam kaya maagang nag pahinga, at sira daw ang telepono dahil aksidenting nahulog!”, malumbay na wika ng binata.
“Don’t be sad, babalik naman na tayo ng manila sa susunod na araw, Let’s wrap up everything here sooner so you can get back to her sooner too!”, pampalubag loob na wika ng babae. Ang kapilyahan niya kanina ay nag dulot yata talaga ng awayan ng magkasintahan.
‘Well.. let see how my friend will fix his own relationship issue. He is very good in resolving companies issues even big problems he can easily get a resolution’
First time ito na pumasok sa relasyon ang kaibigan niya kaya excited siyang tingnan kong mahusay din bang magdala ng relationship ang kaibigan.
“Kumain kana muna at tawagan mo na lamang ulit bukas si Kim. You have other means to contact her naman, hindi lang sa telepono niya!”, dagdag pa ni Sab.
“You’re right! I can call her through her office landline or sa Teams bukas.
“Iyon! ganyan Mag isip ang isang James Paul Perez, hindi yung tumulala na lamang diyan at magpakawalang sigla!”. anas pa ng babae.
At nagpatuloy na silang kumain.