LIBERTY

1045 Words
Excited si Maggie na bumalik sa Los Bastardos ng araw na iyon dahil nakatanggap siya ng tawag mula rito matapos ang ilang araw na paghihintay ng update. Malakas ang kutob niyang natanggap siya ng mga ito at hindi na siya makapaghintay na makapagtrabaho ulit. "This is it! Finally, makakapagtrabaho na rin!" sabik niyang sambit habang inaayos ang suot niyang formal attire. Kakababa niya lang ng taxi at abala siya sa pag-aayos ng suot ng damit. Ngunit ang malaking ngiti sa mga labi ng dalaga ay bigla ring napalis nang pag angat niya ng mukha ay nakita niya si Henry sa labas ng restaurant. Nakatingin sa kanya na waring hinihintay talaga siya nito. "Damn it!" gigil niyang sambit. Napailing pa siya sa pagkainis. Tuluyan na nga siyang natunton ng ina. Iiwasan sana niya ang binata ngunit mabilis itong tumakbo papalapit sa kanya. "I think this is not the right way to treat a friend that you haven't seen for a long time." Anang binata pagkalapit sa kanya. Inirapan niya ito. "What the hell are you doing here?! How did you find me?" pikang tanong niya. Sinulyapan ng dalaga ang building na akala niya ay magiging workplace niya ngunit nagkamali siya. Sa tingin niya ay tinawagan lang siya ng mga ito dahil sa utos ni Henry. "Small world, I guess?" tila nakakalokong sagot nito. "Very funny!" aniya. "Kung nandito ka para kumbinsihin akong umuwi ay nagsasayang ka lang ng oras. Hindi ako uuwi!" matigas niyang sambit. "You're wasting your time way too long, Maggie... Bakit ba mas pinili mo pang mahirapan if you can have a good life in Bicol? Aren't you sick for living like this?" may halong sermon na wika ni Henry sa dalaga. "It's none of your business, sa pagkakaalam ko ay si Mommy ang amo mo. Huwag mo akong pakialaman. I have my reaso-" "Among rason? Gusto mo ring gayahin ang mommy mo na naging matagumpay sa buhay without asking for help to anyone? You want to prove your mom that you can be successful too on your own? Your pride won't build you an empire, Maggie!" "What do you know about me, Henry? All your life ang alam mo lang ay ang maging sunod-sunuran kay mommy, aren't you tired of doing the same thing all your life? Don't you think it's about time to change your career? Isn't it a high time to pursue your own dreams? Wala ka bang ibang pangarap sa buhay?" "Bakit napunta sa'kin ang usapan?" kunot-noong tanong ng binata. Biglang nagdilim ang mukha nito na waring may nasaling siya mula sa mga sinabi niya. "See? You're annoyed when somebody does the exact same thing! I won't go home; you're just wasting your time. Bumalik ka na sa Bicol." Matatag niyang utos. Tinalikuran niya ang binata ngunit mabilis nitong hinawakan ang braso niya. "Your mom needs you now, Maggie! Don't be that brat na walang ibang inisip kung hindi ang sarili niya. Hindi ka ba nagtataka kung bakit halos maglumuhod na kami sa harapan mo umuwi ka lang? Aren't you curious on what is going on? Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung okay lang ang mommy mo?" may himig pangongonsensiya na wika nito. Mabilis na pumiksi ang dalaga. "Don't play with my emotions, Henry. How dare you do that to me! Like I've said, I stand with my decision, umuwi ka na. Again, you're just wasting your time here." Matigas niyang sabi. Muli siyang humakbang papalayo rito ngunit muling nagsalita ang binata. "Sa tingin mo ba ay matatakasan mo ako? Mahahanap at mahahanap kita. I have my ways to find you kahit saan ka pa magtago. I hope you realizes kung gaano kaliit ang mundo nating dalawa. Your mom has a pretty good connection, don't you think?" "Yeah, nakita ko nga. Nagawa mo nga akong matunton at napasunod mo pa ang Los Bastardos sa gusto mo. What a pity dahil nasayang lang ang effort ninyo dahil hindi pa rin magbabago ang isip ko. Sa ginagawa mo ay mas lalo mo akong kinukumbinsi na mamuhay nang tahimik ng mag-isa." "You're an heiress, Maggie for Christ's sake! My moral obligation ka sa-" "Good day, Henry! Marami pa akong gagawin. Tell mom I love her so much, but please... I am begging you na hayaan na muna ninyo ako. Let me find myself, let me find something I am passionate about. Let me do what I have to do. Is it too much to ask?" pagsusumamo niya. "Besides, bakit ba kayo kating-kati na umuwi ako, end of the world na ba?" Nahigit ni Henry ang paghinga. Bumalik sa alaala niya ang mahigpit na bilang ng amo na huwag ipaalam sa dalaga ang nangyaring pagtatangka sa buhay nito. "I guess, wala naman. Good day, Henry! Mag-iingat ka pag-uwi..." anang dalaga. "Don't you think this is the most nonsensical things na ginagawa mo sa buhay mo? If you want to work as a regular employee, kaya naming ibigay 'yan sayo. You can even work as a janitress if that is what you want! Why trouble yourself sa pag-aapply sa kung kani-kanino?" Tiningnan niya lang ang binata ngunit hindi niya ito sinagot. Kaya nga siya umalis sa bahay nila dahil gusto niyang masubukan mamuhay kagaya ng iba. Yung sariling sikap at hindi umaasa sa tulong ng ina. She wants to be independent gaano ba kahirap tanggapin iyon? Sa totoo lang ay naiinggit siya sa mga kaibigan dahil may free will ang mga ito. Hindi gaya niya na parang wala siyang karapatan piliin ang buhay na gusto niya. "Stay out of my life, Henry! I am not giving you the authority to run it as if it is yours! At sana ito na ang huling beses na makikita kita ulit. Huwag ka ng bumalik dito para lang kumbinsihin akong bumalik dahil mas lalo akong hindi uuwi. Ako ang magdedesisyon kung kailan ako babalik sa bahay, hindi kayo. I hope I made myself clear." Buo ang tinig na wika niya. "Fine, walk away again! Diyan ka naman magaling, Maggie! At the end of the day, I hope you'll the find the liberty that you are looking for. And I just hope it is not too late para sa inyo ng mommy mo once magdecide kang bumalik!" Ani Henry. She just wave goodbye without turning back.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD