Malungkot ang dalaga habang naglalakad patungo sa La Dolce Vita. Kailangan niya ng makakausap at tanging ang mga kaibigan lang niya ang kanyang matatakbuhan. Hindi na siya interesado pa sa Los Bastardos dahil alam niyang may koneksyon na ang mga ito sa kanyang ina. Mas lalo pa siyang nalungkot nang mapagtanto na wala ng ibang tumawag sa kanya galing sa mga inapplyan niya.
"How I wish I get to choose the life that I want with gusto. I hate being told what to do with my life! My life matters, too! Why can't I run it the way I want it?!" gigil niyang sambit nang maalala ang nangyaring pag-uusap nila ni Henry. Nagdadabog siya habang naglalakad ngunit bigla siyang napahinto nang may maulinigang tinig. Bigla siyang nagkoble sa malaking poste ng kuryente at sinilip kung sino ang nag-aaway sa unahan niya.
Namilog ang mga mata niya nang makita si Knox at ang isang gwapong lalaki na nagkakasagutan. Namumula ang mga mukha ng mga ito tanda na parehas na itong galit. The heated conversation between the two made her think the depth of their feud.
"I thought I made myself clear the other day, Keaton? What made you think it is okay to barge in my restaurant and act like you're high and mighty? Tell me, did I ask for your helf? Did I?" gigil na wika ni Knox.
"Good heavens, Knox! How can you be so stubborn? Why don't you just agree with me? You need my help to make your restaurant works! Have you seen your sales lately? It's diving to the seabed like a wrecked ship! Wake up! Pumayag ka na sa gusto ko!" ganting sigaw ng lalaki.
"Kahit kailan talaga sarili mo lang ang iniisip mo! I never needed you here, get out! Ni minsan hindi ako hihingi ng tulong sa'yo! Papatunayan ko sa inyo na I can make it without you! I will never give up my restaurant. Hindi kita papayagan na pati 'yon ay kukunin mo sa akin. Not under my watch, not until I stopped breathing!" ani Knox.
"You're going to regret this, Knox! I am telling you, bibigyan lang kita ng isang buwan and you'll crawl back at me, begging me to take over your restaurant to save it from bankruptcy! Mark my word!"
Pagak na tumawa ang binata. "I'd rather lost everything than to lose the last dignity that I have left with me. Good day, I hope we'll never meet again! Stop showing yourself here looking so desperate, dear brother!" sagot ni Knox.
Si Keaton naman ang napahalakhak sa sinabi ng kapatid.
"How can you be so proud? Sino ang pinagmamalaki mo? Why can't you lower yourself? Be humble just this once at tanggapin mo na lang na loser ka pa rin hanggang ngayon!"
"Lower myself? Are you serious? Sino sa atin ang proud? It wasn't me for sure!" anang binata. "Saka bakit ba hindi mo magawang tantanan ang restaurant ko when you said yours was doing great?" dagdag tanong ni Knox.
Hindi sumagot ang kausap nito bagkus ay sumakay na ito sa itim na kotse na nasa tabi nito. "I will be back, Knox. This isn't the last time na magkikita tayo and by then, you'll agree with my terms. I swear to God, makukuha ko ang gusto ko." Anito bago umalis.
Dama ni Maggie ang galit at gigil ni Knox. Base sa takbo ng usapan ng dalawa ay magkapatid ang mga ito. They argued over their business. Somehow nakikita ni Maggie ang sarili kay Knox. They are both trying to stand with their own feet.
Umiiling-iling pa si Knox bago ito nagmamadaling bumalik sa loob ng restaurant nito. Samantalang nanatili naman siya sa kinakatayuan at nagpalipas ng ilang minuto bago puntahan ang mga kaibigan. Ilang sandali rin siyang nahulog sa malalim na pag-iisip bago nagpasyang tumuloy sa pupuntahan.
"Maggie, over here!" tawag sa kanya ni Percy nang makapasok siya sa restaurant. Kagaya nang inaasahan ay naghihintay na ito sa kanya sa isang bakanteng table.
Ginantihan niya ito ng kaway saka lumapit. "Pwede ko bang makausap ang boss mo?" usisa niya.
"I'm not sure if it's the right time na kausapin siya. Ang alam ko ay nag away sila ng kapatid niya kanina lamang. Baka mainit ang ulo niya ngayon, Maggie." Ani Percy.
"I see, but I think this is the right time to talk to him. I have an offer to make."
Napatingin sa kanya si Percy. "Ano'ng ibig mong sabihin?" takang tanong nito na sinagot niya lang ng isang ngiti.
Lumapit na rin sa kanila si Maica pagkatapos nitong mag serve sa isang costumer. "Nasa loob ng opisina niya si Sir Knox. Gusto mo ba sabihin ko sa kanya na gusto mo siyang makausap? Tatanggapin mo na ba ang alok niya sa'yo na trabaho?"
"Sort of?" sagot niya.
"Okay! I'll help you out," ani Maica.
Nagpunta ito sa opisina ni Knox at kumatok muna bago pumasok sa loob nito. Naghintay sila ng ilang minuto bago bumukas muli ang pinto at iniluwa mula roon si Maica. Seryoso ang mukha nito ngunit sinenyasan siya nito na pumasok na sa loob. Hindi na siya nagdalawang salita na pumasok sa loob.
"Good morning, Mr. Herrera!" bati niya. Nadatnan niya si Knox na nakaupo sa harap ng lamesa nito at abala sa pagtingin sa mga papeles na hawak nito.
"Don't just stand there. Come in, have a seat!" malamig nitong tugon sa kanya.
Marahil ay hindi pa rin ito nakakamove on sa pakikipagtalo sa kapatid.
"Does your offer still stands?" tanong niya.
Ibinaba ng binata ang mga papeles at tumingin sa mga mata niya. Bahagyang tumigil ang pag ikot ng mundo ni Maggie nang matunghayan ng malapitan ang mukha ng binata. He is incredibly handsome! His tantalizing eyes makes her drool. Para nitong hinahalukay ang kaloob-looban ng pagkatao niya sa pamamagitan lang ng pagtitig nito.
"Nagbago na ba ang isip mo? What made you change your mind?" malamig pa ring sagot ng binata.
"Let's just say na parehas tayo ng stand sa buhay." Maiksi niyang sagot.
Nagsalubong ang makakapal na kilay ng binata at matalim siyang tinitigan. "What do you know?" tanong nito.
"I accidentally saw you with your brother a while ago. Sorry, it wasn't my intention to hear everything." Hinging paumanhin niya.
Pagak na tumawa ang binata. "If that's the case, what can you offer?" diretsahang tanong ng binata habang nakatitig nang walang kurap sa kanyang mga mata.