"I know for certain that I can help you with your restaurant." Tahasang sagot niya sa binata.
"What are the odds?" sagot naman nito.
She smiled. "So, here's the thing..." aniya.
Habang nag-uusap ang dalawa sa loob ng opisina ay parehas naman kabado ang tatlong kaibigan ng dalaga.
"Sa tingin ni'yo ba, matatanggap na talaga si Maggie?" tanong ni Redjie.
"Malamang dahil mismo ang may-ari naman ang nag-offer." Sagot ni Percy.
"Hindi ba dati ayaw ni Maggie na magtrabaho rito. Ano kaya ang nakapagpabago ng isip niya?" ani muli ni Redjie.
"Kung anuman ang dahilan niya ay wala na tayo roon. Ang mahalaga ay magkakatrabaho na siya ng matino. Iyon na lang ang isipin natin, plus, magkakasama pa tayo. Malaking bagay na iyon sa atin." Ani Maica.
"Ano kaya ang pinag-uusapan nila sa loob at napakatagal naman nila. Katukin na kaya natin, baka napaano na 'yung kaibigan natin?"
"Ano ka ba, Redjie? Sa tingin mo magpapa agrabyado si Maggie kung sakali man? Kung may hindi magandang nangyayari sa loob, sigurado ako na nagkakagulo na ngayon. Tahimik naman sila kaya it's a good sign. Bumalik na lang tayo sa trabaho at may mga parating na costumer." Ani Maica.
Habang naging abala ang magkakaibigan ay patapos na rin ang pag-uusap ng dalawa.
Tapos na ang dalaga na ilahad ang mga gusto niya maging ang mga kondisyon sa deal nila ng binatang amo. Parehas sila ng binata. Ayaw ng paligoy-ligoy kaya hindi na nagdalawang-isip pa ang dalaga na ibigay ang mga demand niya kapalit sa pagtulong niya rito sa restaurant nito.
"Is that all?" tanong ng binata.
"Yes, should I prepare the contract?" nakangiting sagot niya.
"No, I'll do it. For now, umuwi ka muna sa inyo. You can start by tomorrow, be prepared."
"Sure, I will! It is nice meeting you, Mr. Herrera. Don't worry, I'll do my part, thank you!" tumayo na siya at kinamayan ang binata.
Isang pilit na ngiti ang isinukli ng binata habang matiim na nakatingin sa mga mata ng dalaga. She is beautiful and mature at her age. Naalala ng binata nang makita niya ang resume nito. She is older than him.
"I better get going, kailangan ko pang maghanda para sa pagpasok bukas. See you!" ani Maggie. Kinuha na kaagad ng dalaga ang bag niya at mabilis na lumabas ng silid.
'Yes!' piping hiyaw ng dalaga sa isipan. Iyon ang unang beses na pakiramdam niya ay may nagawa siyang maganda. Hindi niya akalain na makakaya niyang sabihin ang lahat ng gusto niya sa isang lalaki. Sa ilang oras nilang pag-uusap ni Knox ay may hint na siya sa mga gusto nitong mangyari sa restaurant at iyon ang ibibigay niya. Hindi niya ito bibiguin sa mga pangarap nito. And at the same time ay tinutulungan niya rin ang sarili niya sa mga simpleng pangarap niya sa buhay.
And by the way, hindi niya sinabi kay Knox kung sino siya talaga. Hindi niya ito hahayaan na may malaman tungkol sa kanya. Magiging problema niya lang kapag nalaman nito na mas mayaman pa siya rito. At hindi niya iyon gugustuhin.
Kagaya ng inaasahan ay mabilis siyang sinalubong ng tatlo pagkalabas. Sabik ang mga itong nagtanong kung ano ang nangyari sa meeting nila ng binata.
"Tinanggap mo na ba 'yung trabaho?" usisa ni Redjie.
"Kailan ka raw magsisimula?" ani Percy.
"Ano ang inapplyan, service crew pa rin ba?" tanong naman ni Maica.
Napangiti siya sa mga ito. "Oo, tinanggap ko na ang trabaho. Bukas na ako magsisimula at oo, service crew ang inapplyan ko." Sagot niya.
"What?!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Maica.
"Ano'ng what?" maang niyang tanong.
"Sa tagal ng pag-uusap ninyo sa loob, service crew lang talaga ang gusto mo? Hindi manager?" hindi makapaniwalang tanong ni Maica.
Imbes na sumagot sa mga kaibigan ay nginitian niya na lang ang mga ito saka nagpaalam. "Mauna na ako sa inyo at may mga bibilhin pa ako. See you tonight! Umuwi kayo ng maaga at ipagluluto ko kayo ng masarap na dinner. Let's celebrate tonight!" aniya.
Puno naman ng pagtataka ang tatlo sa mga nangyayari.
"Sa tingin mo ano kaya pinag-usapan nila, bakit hindi sinabi ni Maggie?" tanong ni Redjie.
"Kung anuman iyon ay tiyak akong malalaman din natin 'yun sooner or later. Ang mahalaga ay hindi na siya isang dakilang tambay." Ani Percy.
"Hmp! Sabagay! Maiwan ko na muna kayo at may paalis ng costumer," paalam nito.
Samantala sa Bicol naman ay magkaharap rin sina Margaux at Henry at seryosong nag-uusap.
"Ayaw niya pa ring umuwi rito sa atin. I am so sorry if I failed you again. But don't worry... Mas hinigpitan ko ang security sa kanya. May nakilala akong tao na makakatulong sa atin sa para makasiguro sa kanyang kaligtasan."
"That is more than enough for me." Maiksing sagot ng ginang. "Ano na ang nangyari sa imbestigasyon mo, may development na ba? May lead na ba kayo sa kung sino ang nagputol ng preno ng kotse ko?" pag-iiba nito ng usapan.
"Yes, Ma'am! As a matter of fact, kakagaling ko lang sa kumpanya at nireview ko uli ang cctv footages natin."
"Hindi ba't nakita na natin 'yon noong nakaraan? Wala naman tayong nakita, hindi ba?"
"Yes, but we are in hurry that time. Kanina maiigi kong binusisi ang bawat area ng cctv natin and I found this." Sagot ng binata. Mula sa bag niya ay kinuha niya roon ang printed copy ng images mula sa cctv nila at iniabot sa ginang.
Bahagyang napakunot-noo si Margie nang makita ang nasa larawan. "Sino 'to?" usisa nito.
"Mangyari kasi noong una nating check ay naoverlook natin ang isang exit area natin sa may garage. Naalala ko lang iyon nang mag park ako ng sasakyan kanina ng dumating ako sa opisina." Umpisa niya.
"And?"
"Kung mapapnsin mo may isang babae na pumasok sa parking area na sa exit lang dumaan. Here she is," aniya sabay turo sa isang pigura ng babae. Matangkad ito at mahaba ang buhok.
"Please tell me more about this, Henry."
"Ang parking area ng building ay para lang sa atin na mga nagtatrabaho roon. Walang outsider na makakapag park doon, hindi ba? That might be the reason kung bakit dito siya dumaan. She is clearly not working there dahil ng umalis siya ay sa exit uli siya dumaan after ng ilang minuto niyang pagpasok sa parking area."
"Alright, may idea ka na ba kung sino siya?"
"Unfortunately, hindi kita ang mukha niya. She made sure na hindi natin siya makikilala. Pero may napansin ako sa kanya. Kung sinuman ang babaeng iyan ay nakakatiyak akong may alam siya sa building." Ani Henry. Kinuha ng binata ang cellphone sa loob ng bulsa niya at ipinakita sa ginang ang ilang video clip mula sa cctv footage.
"Oh my God!" namimilog ang mga matang wika ng ginang.
"You're right, Ma'am. She knows kung saan located ang mga cctv natin kaya halos hindi siya mahagip nito. She dodges most of them. Ang hindi niya lang naiwasan ay ang cctv natin sa may parking area na matagal nang sira. Ang problema ay pinaayos ko 'yun recently lang. Ang hinala ko ay alam ng taong 'yan na sira ang cctv kaya hindi niya iyon naiwasan without knowing na pinaayos ko na iyon."