Matamlay si Laurenne habang suot ang kanyang school uniform na asul na palda at puting blusa. Ngayon ang pormal na araw na makakasama niya ang kanyang bagong partner na si Angelu Banal. At ngayon din nila isasagawa ang bago nilang misyon matapos ang isang linggong pagmamanman sa kanilang target. Pumunta si Laurenne at Angelu sa inupahan nilang apartment malapit sa lugar ng kanilang target para gampanan ang kanilang misyon bilang mag-nanay at anak. At tulad ng inaasahan, pagkakita sa kanila ng suspect ay agad silang inalok ng tindang karneng baboy at binigyan sila ng malaking discount. Nakaupo si Laurenne habang kausap ni Angelu ang suspect. Kinukuwento ni Angelu dito ang problema niya sa pera at hirap ng pagiging isang single mother sa pagpapalaki ng isang teenager. Pakiramdam ni Laure

