Chapter Thirty Three

1438 Words

Nang bumalik si Papa Menandro at Mama Celine sa kuwarto ni Maynard ay nagtaka sila dahil may dalawang doctor at tatlong nurse na nakapalibot sa kama ng kanilang anak. Ang isang doctor ay may hawak na stethoscope na nakapatong sa dibdib ng binata. Kalapit nito ang isang nurse na kumukuha naman ng blood pressure sa braso ni Maynard. Ang isang doctor na nasa kabilang gilid ng kama naman ay matiim na tinitingnan ang suwero na nakakabit sa bote habang ina-adjust ang pagpatak ng likido na nanggagaling mula rito. Katabi nito ang isang nurse na may hawak ng chart at matamang nakikinig habang nagsusulat ng mga sinasabi ng doctor. Samantalang nakatayo lang ang ika-tatlong nurse sa may gawing paanan ni Maynard at tila naghihintay lang ng instruction na manggagaling mula sa dalawang doctor. Nilapita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD