TYRION LANNISTER Paulit-ulit lamang ang ginawa nina David at Rem pati na si Rosanna hanggang sa biglang may sumabog. Humangin ng sobrang lakas, pero pagkalipas din ng ilang minuto ay unti-onting naglaho ang malakas na hangin na nakapalibot sa buong bayan. Tumakbo ako sa direksiyon nina Rem at ng iba pa nang makita kong unti-onting bumabagsak sa lupa si Rosanna. Sumubsob na ko sa lupa para lang masalo siya sa ibaba. Buti na lang at naabutan ko naman siya. Habang bitbit ko si Rosanna ay naglakad naman ako patungo sa direksiyon nina Rem at David. hindi ko na nga namalayan na may mga galos na rin pala ko dahil sa pagsubsob ko sa lupa kanina. "Mahal na prinsipe, salamat." Tumango na lang ako sa sinabi ni Rosanna at umiwas ng tingin sa kaniya. Hindi naman siya nawalan ng malay. Mukhang

