“Hindi nauubusan ng tauhan si Anderson, kaya ‘wag ka ng magtaka kapag marami tayong naingkuwentro na mga tauhan niya,” ani nito. Nakaupo siya sa passenger seat. Nasa driver seat naman ako, mabilis na mabilis ang pagmamaneho. Alam nila kung saan nila dinala si Olivia. Balak ni Anderson ang aking fiance sa lugar kung saan hindi ko malalaman. “Hindi na bago sa akin,” seryosong wika ko. “Hindi naman niya magagawang magyabang kung walang sumusunod at gumagawa ng gusto niya.” Hindi ko na pinasundo ang ibang mga tauhan ko. Tanging ako, si Angelica, at ang Black Omega ang sumugod kung saan sila naroroon. Ayon sa kaniya sasakay sila ng barko na pamamay-ari niya at dadalhin niya ang aking fiance sa Mindanao. Dadalhin ni Anderson ang aking fiance sa isang isla na siya lamang ang nakakaalam. Kahi

