Napatingin ako sa aking gilid nang makita ang bukod tanging silid na naroroon. Lumingon ako sa aking likod upang makasiguradong walang kalaban na nakasunod sa akin. Huminga ako nang malalim saka dahan-dahan at walang ingay na lumapit sa silid. Umaasa na nasa loob si Olivia. Mabagal kong binuksan ang pinto. Hinanda ang aking baril saka itinutok ito sa loob. Naibaba ko ang aking baril nang walang nakitang tao sa loob ng silid. Tanging kama at ilang gamit lamang ang narito. Saan mo siya dinala? “Papatayin talaga kita kapag may nangyaring masama sa mag-ina ko, Anderson,” bulong ko sa aking sarili. Gumalaw ang aking panga at dumilim ang aking mukha sa galit. Muli kong sinarado ang pinto saka tumalikod at naglakad muli. Mahigpit ang pagkakapit ko sa aking baril. Naging pabaya ba akong kasi

