Muli akong naglakad patungo sa aking sasakyan. Ramdam ko pa rin ang aking galit. Galit dahil hindi ko nakuha ang aking fiance. Galit dahil nandito ang Black Omega na parang walang nangyari pagkatapos ng ilang taon. Hindi ba dapat nagtutulungan ang isang grupo? Nililigtas sa tuwing nasa panganib ang isa. Tanging ang grupo lamang ni Kuya Asher no’n ang matino sa lahat ngunit hindi pala. Mga nagkukunwaring mabait. Hindi halata sa mga ito na iiwan ka sa ere kapag nasa panganib ka. Binuksan ko ang pinto ng aking sasakyan. Siguradong hindi pa nakakalayo ang aking fiance kasama ni Anderson. Akmang papasok ako sa loob ng sasakyan nang may tumawag sa akin. “Jayden.” Tumigil ako sa pagpasok ngunit hindi ko siya nilingon. Napatiim-bagang ako saka kinuyom ang kamao. Kita sa gilid ng aking mata an

