“H-Hindi ko a-alam.” Lumapit ako kung saan nagmumula ang boses ng lalaki. Mahina itong dumaing. Rinig ang pag-atras niya habang nakaupo sa sahig. Nagpatuloy ako sa aking paglalakad, palapit pa rin sa lalaki. Kung hindi niya sasabihin sa akin, mamamatay siya. Kung sasabihin niya sa akin kung nasaan si Olivia, mamamatay pa rin siya ngunit sa mabilis na paraan. “Hindi sinasabi sa amin ni Boss ang mga plano niya!” sigaw nito, nanginig ang boses. Ngumisi ako saka bahagyang itinagilid ang ulo habang nakapikit pa rin ang mga mata. “Hindi ako naniniwala sa’yo. Tingin mo ba mauuto mo ako?” kalmado ang aking boses. Tumigil ako sa paglalakad. Narinig ko ang pagkiskis ng kaniyang sapatos sa sahig. Nahihirapan itong dumaing. Napangisi ako. Base sa ginawa niya, tumayo ito gamit ang paghawak sa pa

