Napatingin ako sa isang bintana ng mansiyon nang mabasag ito dahil sa pagtalsik ng isang lalaki. Nahulog ito dahilan ng mabali ang kaniyang katawan at mamatay. Nagtiim-bagang ako, isa siya sa aking mga tauhan. Muli akong tumingin sa bintana. Nakita ang nakadungaw na lalaki. Maraming mga tattoo ito sa katawan at peklat. Nakatakip ang kaniyang isang mata ng itim na tela. Tumingin siya sa akin saka inilagay ang hinlalaking daliri sa leeg, sinenyas na papatayin niya ako. Kung ganoon, nasa loob lahat ng mansiyon ang mga pinakamataas at kilalang mga taong kriminal. Napapikit ako saka mabilis na tinabunan ang mukha nang malakas na sumabog ang dinamita, hindi kalayuan mula sa akin. Tumalsik ang lupa at ilang mga tao. Nagpira-piraso ang ilan sa mga katawan dahil sa pagsabog. Maraming namatay sa

