Maririnig mula rito ang putukan sa loob ng mansiyon. Kanina pa rin nila hinahagis sa bintana ang ilan sa mga tauhan ko na nakapapasok sa loob. Kinuyom ko ang aking kamao saka malakas na sinuntok sa mukha ang lalaking lumapit sa akin. Lumukob na sa aking sarili ang galit at poot. Muling may sumabog na dinamita dahilan ng pagtalsikan ng mga lalaki. Patuloy lamang ang aking paglalakad. Hindi ko hinayaan na may humarang na naman sa akin. Agad na pinapatay ng aking mga tauhan sa tuwing nakikita nila ang miyembro ng Eternity na lumalapit sa akin ngunit sadyang may nakakatakas sa kanilang paningin dahilan ng makalapit sa akin ang iba. Tumingin ako sa aking isang kamay. Kita ang pagtulo ng dugo roon dahil sa pagtama ng kutsilyo kanina. Hindi ko agad na kita ang isang lalaki na lumapit sa akin

