Isang malakas na suntok sa pisngi ang sumalubong sa akin nang pumasok ako sa bahay nina Piggy. Bahagya akong napaatras at pagkatapos ay napaupo sa lakas noon. “Diyos ko, Edwin!” narining kong sigaw ni Mommy Sarah. Napahawak ako sa natamaang pisngi ko. Pumipintig-pintig iyon sa sakit at bahagyang uminit. Kasabay niyon ang pagkalasa ko sa tila lasang kalawang sa loob ng bibig ko. Agad akong dumura sa bermuda grass at nakitang dugo na pala iyong nalalasahan ko. Mukhang napuruhan yata ako sa suntok ni Daddy Edwin. “‘Di mo naman kailangang suntukin si Jeremy,” ani ulit ni Mommy Sarah habang niyayakap si Daddy Edwin para pigilan na sugurin ulit ako. Nagtataka akong nakatingin sa kanila. ‘Di ko maintindihan kung bakit galit na galit si Daddy Edwin sa akin. Dahil ba sa late akoong nakauwi? O

