Ang masayang gabi ay tila nauwi sa isang bangungot para kay Yamiesha, nagmamadali itong ng umakyat sa kwarto kung saan mahimbing nag natutulog ang kanyang mga anak. Palakad-lakad si Yamiesha sa apat na sulok ng silid dahil hindi malaman ang gagawin. Nang mapagtanto niyang masakit na ang paa niya ay nahilamos niya ang kanyang kamay sa mukha kaya namula ang mga ito. Hindi niya ininda ang hapdi nito dahil mas masakit pa ang malamang pinagkaisahan ka ng lahat. Labing limang minuto pa ang nakalipas ng mapagdesisyunan niyang kausapin sila dahil wala din namang mangyayari kung patatagalin niya pa. "O sige, ingat ka ha. Pagpasensiyahan mo nga pala ang anak ko." Malungkot na sabi ni Yumiko. Pilit na ngiti lamang ang ibinigay nito saknya bago humalik at pumihit patalikod up

