I check my phone and it's already eight o'clock in the morning, pero nakahiga parin ako sa tabi ng mga anak ko. Ako ang nasa right side ng kama tapos si Yumi na nakayakap sakin then si Kyle na ang susunod at mahimbing pa ding natutulog. Napangiti ako ng makitang nagsisimula nang kumusot ng mata si Yumi, nginitian ko siya ng makitang gising na gising siya mukhang gulat na gulat siya kung sino ang katabi niya at nang mapagtantong ako, ay niyakap niya ako ng mahigpit. Ang sarap gumising ng napaka-aga kung ganito ang una mong makikita. "Good morning sweetheart." Bulong ko saknya. "Good morning daddy." Bumangon siya at tinaas-baba ang kilay habang nakatingin sa anak kong lalaki. "It's---" "Tickling Time!" Masayang dugtong niya sa sinabi ko

