Nagsisimula na akong mag-impake ng mga gamit ko para hindi ako mahirapan bukas na magligpit dahil huling araw na namin ng mga anak ko bukas. Ibinagsak ko sa sahig ang mga bag na gagamitin at ginulo-gulo ko maging ang mga bagong tuping damit. Aist! Nakakainis naman kasi e! Naalala ko nanaman 'yong hayop na 'yon! Mantakin mo ba namang tuwang- tuwa siyang nakatingin sakin habang nilalabas ko lahat ng hinaing ko sankya?! At mas lalo pa akong nainis dahi mukha siyang walang pakialam na aalis na kami ng mga anak niya?! Grabe! Napabuga ako ng hangin at naisipang lumabas nalang ng kwarto para ikain ang sama ng loob ko! Teka, ano ba ang masarap kainin? Hmm, ice cream kaya? Ube flavor para masaya. E kung uber roll nalang kaya? Tsk. Ahh! Alam ko n-- Napatigil ako sa paghakbang dahil tatlong p

