“Lelelelele, narito pala ang mga babies ko e”, salubong ni Mikee nang makita nito ang mga bata, “mabuti naman ay napadpad kayo dito, ha?” Gigil na sabi nito at isa-isang binuhat at inamoy. Natawa naman ang mga ito dahil nakikiliti sila sa bigote nito na magdadalawang linggo na mula nang ito’y i-shave. “Dad, stop it please. They are all staring at us”, natawa naman ang mga staff na nasa studio dahil sa sagot ni Kyle. If Yumi calls him tito daddy, then Kyle calls him dad. Hindi ito itinuro ni Mikee sa bata, gusto lang talaga ni Kyle para masabing may tatay siya. Kahit malambot si Mikee, ay mapagkakamalan mo pa din itong lalaki dahil sa tindig at tikas ng katawan nito. At never niyang ipinakita sa mga bata ang pagkakaroon niya minsan ng fling or boyfriend. “Dang, ikaw muna ang

