Kahit puyat ay maaga naman akong nagising, dahil ngayong araw ay lilibutin naming ang farm, mayroon itong iba’t ibang prutas, gulay at maging bulaklak. Nagpapasalamat din ako na hindi ako nakakaramdam ng kahit anong hilo. “Magandang umaga, senyorita!”, masiglang il ani akin ni Mang Berto. Matagal ng katiwala nila granny si Manong at kung tutuusin ay hindi na nila ito pinagtratrabaho dahil sa edad nito. Ngunit, mapilit ang huli kaya hinahayaan nalang siya kung anong ibigin nito sa mansion. “Magandang umaga din po, aga po natin ah. Nasaan po ang mga kasama ko?”, ngayong araw ay nakaplano kaming lilibot sa farm. Mayroon itong ibat ibang uri ng bungang prutas, gulay at maging tanim ng bulaklak na inaangkat pa. “Gaya po ng bilin nila Don Francisco, ay dinala ko po sila sa lagoon

