Ginabi na ng makarating kami ng Baguio. Granny and grandpa were waiting at the doorstep of the mansion. Pagkaparadang-pagkaparada ng sasakyan ay dali-dali akong bumaba para hagkan sila. “Apo!”, masayang tawag sa akin ni Granny. Inaalalayan ito ni Grandpa. “Ano ka ba naman, asawa ko. Dahan-dahan lang”, saway ni Grandpa. Natutuwa akong niyakap sila ng mahigpit, dahil na miss ko sila ng sorbra-sobra. “Namiss po kita”. “Aba, hindi ata pwede ‘yon. Paano naman si grandpa hindi mo baa ko namiss?” “Syempre, miss na miss ko na din ang gwapong gwapo kong grandpa!”, natatawa ko naman siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit. “Ayan ang gusto ko sayo apo e. Hindi ka talaga marunong mambola”. Nangangamusta sila granny kung kamusta daw ang biyahe nang maalala kong mayroon pala akong

