Chapter 55 - Confrontation

2828 Words

WALA akong magawa habang nasa harapan niya. Literal akong nabato sa kinatatayuan dahil sa mga nangyayari. Hindi ko inaasahang sa lahat ng tao ay siya pa ang makakakita sa amin ni Mr. Lim habang nasa ganoong tagpo. Naputol ang tinginan namin ni Khai sa isa't isa nang mapansing nakabangon na si Mr. Lim mula sa pagkakasalampak sa sahig. Marahas niyang pinunasan ang dugo sa gilid ng kanyang labi gamit ang likod ng palad niya. Dahil sa lakas ng puwersa ng pagkakasapak sa kanya ni Khai ay nagdulot ito ng sugat. "Huwag kang makikialam dito, Mr. Hakenson," nagbabantang sabi ni Mr. Lim dahilan para mas lalong magbaga si Khai sa galit. Mabilis niyang nilapitan ang matanda at mahigpit itong hinawakan sa kuwelyo. "Huwag makialam? Bukod sa girlfriend ko ang hina-harass mo, sa tingin mo ba ay basta n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD