bc

The Heartbreaker’s Love Interest (Brilliantes Series #6)

book_age18+
78
FOLLOW
1.4K
READ
billionaire
HE
age gap
arranged marriage
powerful
bxg
lighthearted
campus
office/work place
musclebear
addiction
like
intro-logo
Blurb

PROLOGUE

MALALAKI ang bawat hakbang ko para lang makarating ako sa opisina ng lalaking ito. Mahigpit ang hawak ko sa envelope na halos mapunit na ito. Nagpupuyos sa galit ang kalooban ko at nakakuyom na nga ang kamao ko.

Sa elevator ay wala akong pinasakay kahit isang empleyado. Paulit-ulit kong pinindot ang button ng floor nito.

Napatayo pa sa gulat ang secretary niya nang makita ang pagmamadali ko at dumiretso ako sa pinto. Pabagsak ko pa itong binuksan at nadatnan ko siyang nakaupo sa swivel chair niya. Ni hindi man lang siya nagulat nang makita niya ako.

Lumapit ako sa mesa niya at pabagsak kong inilapag ang dala kong envelope. Dahil sa lakas nang impact nito ay may iilan na papeles ang lumipad.

“What is the meaning of this fvcking envelope, Engineer Darcy?!” sigaw ko.

Walang ekspresyon ang mukha niya nang balingan niya ako at pinagdaop pa niya ang magkabilang palad niya sa ibabaw ng kaniyang mesa.

“You’re here. Tamang-tama ang pagdating mo dahil may ipapipirma ako sa ’yo,” malamig na sabi niya na halos tawanan ko na.

“Ang kapal ng mukha mo na bilhin ang lupain namin nang hindi mo ako kinakausap! You force my father to sign that freaking contract! Alam mo na puwede kitang kasuhan!” nagngingitngit na sigaw ko.

“Your father done signing the contract at nasa pangalan ko na iyon. Wala ka nang magagawa pa dahil may kasama akong attorney. Walang sapilitan ang naganap, Ms. Misa. Nagkusang loob siya,” sabi niya at nangangati na ang kamao ko na dumapo ito sa pagmumukha niya.

Naghalo-halo na ang emosyon na nararamdaman ko at gusto kong murahin siya.

“Kahit na! Alam mong napakaimportante iyon sa amin pero ginawa mo pa rin! Pinagbili mo pa rin!”

“Ms. Misa—”

“Ms. Misa?!” hindi makapaniwalang sambit ko.

“Yeah, have a sit and sign the divorce paper.” Lumapit na ako sa kinauupuan niya at walang pagdadalawang isip na hinablot ko ang kuwelyo niya. Malakas ang paghatak ko at tuluyan nang dumapo ang kamao ko sa panga niya.

Pinakawalan ko rin siya at pinunasan niya ang dugo sa gilid ng labi niya. Pumutok iyon.

“You’re so heartless, Darcy,” mariin na saad ko at nangilid ang mga luha ko.

“Pirmahan mo na lang ang divorce paper para mabilis na ang proseso at wala na tayong hahabulin pa sa isa’t isa,” sambit pa niya na parang balewala na nga ang pinagsamahan namin.

Na kay daling sabihin ang salitang divorce. Pero bakit nga ba ako magtataka pa? Kagustuhan ko naman rin ’yon.

Inagaw ko ang papel na hawak niya at kumuha ng ballpen. Binasa ko pa ang nasa papel nito at kapag nakapirma ako ay babalik na nga ako sa pagiging “miss” ko at mawawalan na rin ng bisa ang kasal namin ni Darcy. Nagpakawala ako nang malalim na hininga at buo na rin ang desisyon ko.

Pipirmahan ko ’to para maputol na rin ang kung ano mang koneksyon naming dalawa. Pero pipirma pa lamang ako nang makaramdam ako nang matinding kirot sa aking puson.

Nanginig ang kamay ko at nabitawan ko na rin ang ballpen. Napadaing ako dahil sa sakit ng puson ko.

“Cyrille. . .”

“Don’t touch me!” Tinanggal ko ang kamay niyang nasa balikat ko. Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya pero masama pa rin ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa akin. Madalas ko nang maramdaman ito. Honestly speaking ay hindi maganda ang pakiramdam ko pero pinuntahan ko pa rin siya para lang sa lupain na binili niya kay papa. Tinuloy ko ang pagpirma ko at binato ko pa ang hawak kong ballpen sa dibdib niya. Mabilis naman niyang nasalo iyon. “Hayan na. Pakibilisan ang proseso niyan pero ibalik mo ang titulo ng lupa namin. Ako ang magbabayad at dodoblehin ko pa,” saad ko.

Pagkatapos kong sabihin ’yon ay tinalikuran ko na siya. Pinipigilan ko pa rin ang emosyon ko at ang mga luhang nagbabadya na ring mahulog.

Hindi ko na nga rin namalayan kung paano ko nagawang makaalis mula roon. Nang makasakay ako sa kotse ay sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha ko.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE MALALAKI ang bawat hakbang ko para lang makarating ako sa opisina ng lalaking ito. Mahigpit ang hawak ko sa envelope na halos mapunit na ito. Nagpupuyos sa galit ang kalooban ko at nakakuyom na nga ang kamao ko. Sa elevator ay wala akong pinasakay kahit isang empleyado. Paulit-ulit kong pinindot ang button ng floor nito. Napatayo pa sa gulat ang secretary niya nang makita ang pagmamadali ko at dumiretso ako sa pinto. Pabagsak ko pa itong binuksan at nadatnan ko siyang nakaupo sa swivel chair niya. Ni hindi man lang siya nagulat nang makita niya ako. Lumapit ako sa mesa niya at pabagsak kong inilapag ang dala kong envelope. Dahil sa lakas nang impact nito ay may iilan na papeles ang lumipad. “What is the meaning of this fvcking envelope, Engineer Darcy?!” sigaw ko. Walang ekspresyon ang mukha niya nang balingan niya ako at pinagdaop pa niya ang magkabilang palad niya sa ibabaw ng kaniyang mesa. “You’re here. Tamang-tama ang pagdating mo dahil may ipapipirma ako sa ’yo,” malamig na sabi niya na halos tawanan ko na. “Ang kapal ng mukha mo na bilhin ang lupain namin nang hindi mo ako kinakausap! You force my father to sign that freaking contract! Alam mo na puwede kitang kasuhan!” nagngingitngit na sigaw ko. “Your father done signing the contract at nasa pangalan ko na iyon. Wala ka nang magagawa pa dahil may kasama akong attorney. Walang sapilitan ang naganap, Ms. Misa. Nagkusang loob siya,” sabi niya at nangangati na ang kamao ko na dumapo ito sa pagmumukha niya. Naghalo-halo na ang emosyon na nararamdaman ko at gusto kong murahin siya. “Kahit na! Alam mong napakaimportante iyon sa amin pero ginawa mo pa rin! Pinagbili mo pa rin!” “Ms. Misa—” “Ms. Misa?!” hindi makapaniwalang sambit ko. “Yeah, have a sit and sign the divorce paper.” Lumapit na ako sa kinauupuan niya at walang pagdadalawang isip na hinablot ko ang kuwelyo niya. Malakas ang paghatak ko at tuluyan nang dumapo ang kamao ko sa panga niya. Pinakawalan ko rin siya at pinunasan niya ang dugo sa gilid ng labi niya. Pumutok iyon. “You’re so heartless, Darcy,” mariin na saad ko at nangilid ang mga luha ko. “Pirmahan mo na lang ang divorce paper para mabilis na ang proseso at wala na tayong hahabulin pa sa isa’t isa,” sambit pa niya na parang balewala na nga ang pinagsamahan namin. Na kay daling sabihin ang salitang divorce. Pero bakit nga ba ako magtataka pa? Kagustuhan ko naman rin ’yon. Inagaw ko ang papel na hawak niya at kumuha ng ballpen. Binasa ko pa ang nasa papel nito at kapag nakapirma ako ay babalik na nga ako sa pagiging “miss” ko at mawawalan na rin ng bisa ang kasal namin ni Darcy. Nagpakawala ako nang malalim na hininga at buo na rin ang desisyon ko. Pipirmahan ko ’to para maputol na rin ang kung ano mang koneksyon naming dalawa. Pero pipirma pa lamang ako nang makaramdam ako nang matinding kirot sa aking puson. Nanginig ang kamay ko at nabitawan ko na rin ang ballpen. Napadaing ako dahil sa sakit ng puson ko. “Cyrille. . .” “Don’t touch me!” Tinanggal ko ang kamay niyang nasa balikat ko. Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya pero masama pa rin ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa akin. Madalas ko nang maramdaman ito. Honestly speaking ay hindi maganda ang pakiramdam ko pero pinuntahan ko pa rin siya para lang sa lupain na binili niya kay papa. Tinuloy ko ang pagpirma ko at binato ko pa ang hawak kong ballpen sa dibdib niya. Mabilis naman niyang nasalo iyon. “Hayan na. Pakibilisan ang proseso niyan pero ibalik mo ang titulo ng lupa namin. Ako ang magbabayad at dodoblehin ko pa,” saad ko. Pagkatapos kong sabihin ’yon ay tinalikuran ko na siya. Pinipigilan ko pa rin ang emosyon ko at ang mga luhang nagbabadya na ring mahulog. Hindi ko na nga rin namalayan kung paano ko nagawang makaalis mula roon. Nang makasakay ako sa kotse ay sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook