CHAPTER 1

2313 Words
Chapter 1: Cyrille’s Introduction BATA pa lamang ako ay kinagigiliwan ko na ang gawain ng papa ko. Ang ibang bata na kaedad ko ay pinipili nila ang maglaro na hawak-hawak ang mga manika nila at may bahay-bahayan sila. Noong malaman ni papa na iba nga ang kinahiligan ko ay binilhan niya ako ng mga laruan. Kitchen stuff at iba pa. Pero isang bagay lang naman ang gusto ko. Kotse-kotsehan, katulad ng laruan ng nakababata kong kapatid na si Cylinder. Baby pa lang si Cylinder nang namayapa ang mama namin dahil nga sa panganganak sa kaniya. Halos mawala rin sa sarili noon ang aking ama. Mahal na mahal niya ang mama namin kaya naiintindihan ko na ang madalas niyang paglalasing noon. Mabuti na lamang ay hindi niya kami nakalimutan na Cy. Na dalawang sikmura ang kailangan niyang pakainin at buhayin. Hindi rin ako naging hadlang noon nang naisipan na lamang ni papa na magpakasal ulit ng iba. Wala naman na si mama, kaya ayos lang siguro iyon. Mabait naman si Mama Yssa, hindi siya katulad ng ibang step-mother na pinaglulupitan ang mga anak ng asawa nila. Alagang-alaga niya kami kahit na nagkaroon pa sila ng isang anak at lalaki pa rin. Ako lang ang nag-iisang babae sa pamilya namin. “Cyrille! Halika rito, ’nak! Binilhan kita ng laruan! Dali!” Napalingon ako kay papa nang tawagin niya ako. Nakaupo siya sa rattan sofa namin at ang laki pa ng kaniyang ngiti. “Ako, Papa! Mayroon po ba?” sabik na sabik na tanong ng kapatid ko. Nauna pa siyang lumapit kaysa sa akin. Ako ay sumunod lamang. “Siyempre naman, anak! Makalilimutan ba ni papa ang tatlo niyang anghel?” malambing na tanong pa niya at napatingin ako sa bunso namin. Three years old pa lamang siya ay may malaking laruan na siya na pinakagusto ko. Nasa kandungan siya ni Mama Yssa. “Yehey! Ang ganda nito, Papa!” masayang sabi pa ng kapatid ko at tumulis ang labi ko sa nakitang laruan. “Manika, Papa?” malungkot na tanong ko at natawa pa siya nang makita ang reaksyon ko. Pinaupo niya ako sa tabi niya at si Cylinder naman ay tumabi sa Mama Yssa namin. “Maganda naman ito, ’nak, eh. Ganito dapat ang nilalaro mo,” sabi pa ni papa at pinipilit niyang kunin ko ang manika. “Tingnan mo, Cy oh. Nakatirintas din ang buhok niya katulad mo.” Lalo akong napanguso at napipilitan man ako ay tinanggap ko pa rin sa huli. Hinalikan ko pa ang mukha nito. Hindi kami mayaman, may kaya lang sa buhay. Kasi masipag magtrabaho si Papa. Isa siyang mekaniko at marunong siyang mag-ayos kapag kotse na ang pag-uusapan. Sa tsaga at sipag niya ay nakapagpatayo siya ng auto repair shop. Hindi ito kalakihan pero maraming customer si papa. Kasi magaling talaga siya sa mga ganito. “Cyrille?” Napalingon ako nang tawagin ako ni Mama Yssa. “Bakit po, Mama?” magalang at malambing na tanong ko sa kaniya. Ibinaba niya sa sofa ang kapatid ko na agad naman binuhat ni papa. Maingat na hinila naman ng mama ko ang braso ko. Hinaplos niya ang pisngi ko at ngumiti siya nang matamis. Kaya nahawa ako. Pinaupo niya rin ako sa tabi niya. Hinalikan pa niya ang ibabaw ng ulo ko. “Maganda naman iyang manika mo, mahal ko. Pinaghirapan iyan ng papa mo kaya dapat ingatan mo,” nakangiting sabi niya. Bumaba ang tingin ko sa manika at napangiti na ako nang makita ko na maganda naman. Nilingon ko si papa. Maski siya ay naka-smile na rin. Muli kong hinarap si mama. “Pero Mama. Puwede rin po ba akong maglaro ng kotse-kotsehan?” inosenteng tanong ko. “Hay naku, Charlie. Sa iyo pa yata magmamana itong panganay natin. Hindi na ako magtataka kung paglaki nito ay magiging katulad mo rin.” Napanguso ako nang makita na parang sumakit ang ulo ng aking mama. Napahilot kasi siya sa sentido niya. Naawa naman ako. “Kung ano man ang gusto niya at ikasasaya niya ay suportahan na lang natin siya, mahal,” sambit ni papa. May kumulbit naman sa braso ko. Nang lingunin ko ito ay si Calder. “Ate, hiyam ka pow ng toys ko?” nakangiting sambit niya. Tumulis ang labi ko. Tiningnan ko ulit ang manika ko. Hinawakan ko ang ulo ng kapatid ko. “Sige, next time. Ngayon ay manika muna ang lalaruin ni ate.” Napangiti rin siya at lumabas ang ngipin niya na hindi pa tumutubo iyong nasa gitna. Bumaba ako sa sofa sa tulong ni Mama Yssa. Nilapitan ko si Papa. Sumampa ako para yakapin siya sa baywang niya. Naramdaman ko agad ang paghagod ng malaking kamay niya sa likod ko. “Thank you po sa manika, Papa ko. Mahal po kita, kayo ni Mama ko.” “Mahal na mahal ka rin ni papa, anak,” sabi niya. Nang tiningala ko siya ay hinalikan niya ako sa noo. I looked at my mama again. May tears na agad siya sa gilid ng mga mata niya. Simula noon ay sa tuwing may ibinibigay sa akin ang papa ko ay tinatanggap ko na lamang at nagawa ko namang i-appreciate. Kasi kapag nireregaluhan kami ay isa lang ang ibig sabihin niyon. Palagi nila kaming inaalala. Na kahit nasa malayo ay sa amin pa rin umiikot ang mundo niya. Bihira na lamang talaga ang mga ganoong tao na nakaaalala sa iyo. Napapitlag naman ako nang may humawak sa balikat ko. Sinamaan ko nang tingin si Cylinder. Nakangisi ang namumula niyang mga labi. Basang-basa pa ang buhok niya na katatapos niya lang yatang maligo. Nakaputing v-neck shirt siya, tapos itim na shorts naman pababa. Ang tuwalya niya na nakasabit sa malapad niyang dibdib. Tatlong taon lang ang tanda ko sa kaniya. 21 years old na siya ngayon. Si Calder naman ay 18 years old. Ang akala namin dati ay siya na lamang ang magiging bunso namin pero hindi. Nakaisa pa si Papa at babae naman. Si Colette Rae. 10 years naman ang agwat ng edad nila ni Calder. Mas nakuha nito ang mukha ni Mama Yssa. Samantalang kami naman ng pangatlo kong kapatid ay kay papa. Si Cylinder ay kamukha niya ang namayapa naming mama. At alam ko naman na masaya na ang aming ina kung nasaan man siya ngayon. Kasi may isang ina na rin ang nag-aalaga sa amin. Minahal at tinuring kami na parang tunay na mga anak niya. “Ate, punta tayo sa Racing Arena. Malaki raw ang pustahan doon at kapag nanalo tayo ay makukuha natin ang 50,000 pesos!” Lumapit ako sa kaniya kahit nasa tabi ko na siya. Pinitik ko ang noo niya. “Huwag mo akong maimbita-imbita riyan, Cy. May pasok ka pa bukas! Ako ang mapapagalitan ni mama sa iyo! Tadyakan kita riyan, e!” nag-iinit ang ulong saad ko sa kaniya. Napakamot siya sa pisngi niya. Kunot na kunot ang noo. Sa totoo lang ay ganito kaming mag-asaran na magkakapatid, halos pareho na nga ang ugali naming dalawa. Dahil siguro kami talaga ang magkapatid sa ina at ama. Samantalang ang dalawa pa naming kapatid ay nakapa-soft hearted. Malambing at ang sarap ngang pisilin ang mga pisngi nila. Pareho pa kaming overprotective kay Calder kaysa sa bunso namin. Paano ba naman kasi, matalino siya at sobrang cute. Na mabuti pa raw itong kapatid ko ay parang babae kung umasta. Mahinhin kasi. Pero hindi naman siya bakla, ah. Ganoon lang siya. “Ate naman. Malapit na kasi ang wedding anniversary nina mama at papa. I-surprise naman natin sila na gamit ang pera natin,” suhestiyon niya. Napaisip naman ako pero nang maalala ko na may trabaho na ako ay mariin kong pinisil ang pisngi niya. Namula iyon kaya nagreklamo siya. “Ikaw lang ang walang pera. Ako mayroon, kasi may trabaho na ako. Ikaw lang ang wala. Estudyante ka pa, under ka pa ng mga magulang natin,” nakangising sabi ko. Sumimangot siya lalo, inilabas ko pa ang dila ko para lang asarin siya. Nasa sala nga kami sa mga oras na iyon. Nanonood pa ako ng TV ngunit wala na roon ang atensyon ko. Hanggang sa bumukas ang pinto, pumasok doon ang bunso naming lalaki. “Hoy, Cal! Bakit hindi ka nag-text sa akin na uuwi ka na pala! Eh, ’di sana nasundo kita sa school niyo!” Tumayo pa si Cy para lang lapitan ang aming kapatid. Third year college na ang ang isa, tapos ang pangalawa naman ay senior high pa, grade 12. Engineering ang kurso ni Cy. Iyong kapatid ko na bagong dating ay balak niyang mag-aral sa kursong Marine Engineering. Ayaw sana ni mama kasi alam niyang mapapalayo ito sa amin pagka-graduate niya. “Kuya, hindi na ako bata para sunduin mo,” salubong ang makapal na kilay na saad nito. Nakita ko pa ang bitbit niyang cellophane na may tatak nang pinagbilhan niya ng yum burger. Na paborito namin. Hindi malabo ang mga mata niya. Pandagdag pogi points lang siguro. Naka-eyeglasses kasi siya na itim ang frame nito. Ang guwapo niya sa suot niyang uniporme. Good boy ito at hindi sakit sa ulo. Palaging honor student. “Pero nag-commute ka na naman siguro, ’no?” Humabol pa ang isa. Mas matangkad siya, ngunit ilang dangkal na lang ay aabutan na rin siya. Nang makita ako nito ay ngumiti siya. “Meryenda po tayo, Ate. Dumaan ako kanina sa burger house. Apat lang ang binili ko. Hindi naman kumakain sina mama at papa,” sabi niya saka siya umupo sa tabi ko. Nakatira kami sa Tagaytay. Ang bahay namin ay katabi lang ng shop ni papa. May mga tauhan na siya roon. Tapos madalas ay roon si mama tumatambay. Car washing naman ang negosyo niya. “Tamang-tama ang dala mo, brother. Bibili ako ng coke sa labas!” Tumayo ako para hilahin ang damit niya. “Gàgo, gusto mo yatang magalit si mama. Bawal ang softdrink! Mag-nestie na lang tayo. Magtimpla ka roon dali!” Inutusan ko nga si Cy. “Minsan lang naman, ate e.” “Nasa silid si Colette. Magigising na iyon anytime soon. Hihingi iyon ng coke. Alam mong bawal na bawal iyon sa atin,” pangangaral ko pa. Kakamot-kamot ulong umalis na rin siya. Bumalik naman ako sa sofa. Kinulbit na naman ako nang naiwan kong kapatid. Mahilig talaga itong mangulbit. Bata pa lamang siya ay ganito na siya. “Ate, malapit na pala ang wedding anniversary nina mama at papa. May plano ka na po ba? Mag-aambag kasi ako.” Minsan talaga ay iisa lang sila kung mag-isip ng kuya niya. Ang alam ko nga ay may ipon siya. Tumutulong nga kasi kami sa shop. Si mama ang nagpapasahod sa amin at dahil nga mekaniko ang tatay namin ay marunong kaming mag-ayos ng sirang sasakyan. “Pinag-iisipan ko pa. Balak ni Cy na pumunta sa Racing Arena. Malaki raw ang makukuha kapag nanalo,” sagot ko at sumandal sa kinauupuan ko. “Iyang suhestiyon ni kuya ay delikado naman. Pero may tiwala naman ako sa iyo, Ate ah. Paano kung subukan mo? Sasama ako.” Pinanliitan ko siya ng mga mata. Sa dalawa silang kapatid ko na lalaki ay siya ang mas halata kung mag-aalala sa ’kin. Ganoon naman ang isa, ngunit iba iyon. Matigas daw kasi ang bungo ko kahit babae ako. Bumalik din si Cy na dala-dala na ang isang pitcher na may laman ng malamig na tubig. Kagat-kagat nito ang isang malaking cachet ng juice. Sa isang kamay niya ay tatlong plastic cup din. “Kuya, bakit walang mainit na tubig? Masarap ang juice kapag ihahalo mo muna sa mainit na tubig, e.” Tumayo si Calder para yata kukuha ng hot water. Ganoon kasi ang madalas na ginagawa namin. Inilapag naman ng isa ang dala niya. Nang makabalik ang pumasok sa kusina ay ’saktong pumasok ang bunso namin. “Hoy, tyanak! Ano’ng ginagawa mo sa labas?! Hindi ba dapat ay nag-afternoon nap ka?” Si Colette nga ang bagong dating. Naka-pink na bestida ito. Magulo na ang buhok niyang nakabungkos. As usal ay may maliit siyang sling bag na pinabili sa akin. Rumaraket ang bata sa car washing ni Mama. Hinahayaan siya kasi makulit, e. “Luh, si kuya OA. Kagigising ko lang po. Doon ako natulog sa opisina ni papa,” naiiling na sabi nito. Nang mahagip ng singkit niyang mga mata ang nasa center table ay nagmamadali niyang hinubad ang tsinelas niya saka siya lumapit doon. Bago pa niya makuha iyon ay mabilis ko nang inagaw. “Ate, naman! Isa lang ang kukunin ko!” “Hindi ka pa naghuhugas ng kamay mo. Galing ka pa sa labas.” Tumulis ang namumula niyang mga labi. Nagtungo siya sa kusina para maghugas ng mga kamay. Sa pagmamadali na naman niya ay bumangga siya sa katawan ng kuya niya. “Kuya Cal naman! Haharang-harang!” reklamo nito. “Cal, pingutin mo nga iyang tainga ng tyanak na iyan. Kanina pa naninigaw,” utos ko. Ginawa niya nga iyon sa marahan na paraan. “Sige na. Maghugas ka na ng kamay roon. Magmeryenda na tayo. Pero tig-isa lang tayo ng yum burger.” “Copy, Kuya!” Walong taong gulang pa si Colette. Walang special-special treatment sa amin at wala sa vocabulary ng parents namin ang magkaroon ng favoritism. Kung nagkasala ang isa sa amin ay damay kaming apat. May takot naman sa akin ang tatlong iyan. Si Colette lang pinakamakulit, mana siya sa Kuya Cy niya. Before I forget to mention, I’m Cyrille Mae V. Misa, the eldest daughter, born on February 29. Am I unlucky? Because sometimes, that date isn’t even on the calendar. Pero nag-c-celebrate pa rin naman kami. Apat na taon pa ang hihintayin para may February 29. 2024 ngayon, so parang 4 years pa bago ang birthday ko, ’no? I’m 24 years old and a proud graduate of Bachelor of Science in Mechanical Engineering. Here’s my story.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD