Ilang linggo kong iniwasan si Rhivo, hindi ko naman alam kung ayos na ba si Rodriej at Rhivo matapos ang suntukan nila sa birthday ni Rhivo. Umuwi si Papa dahil graduation na nga namin bukas, balak ni Papa na mag shopping kami pero tumanggi ako dahil wala akong gana at hindi makakilos ng tama. This is my first heart ache kaya sobrang sakit at hanggang ngayon ay ramdam ko pa din. Yung feeling na hindi pa din nag babago ang nararamdaman ko sa kaniya, Nag bago man ang feelings ko dahil iyon sa tuwing maririnig ko ang pangalan niya ay kirot na ang dulot ng mabilis na pag t***k ng puso ko. Binuksan ko na lang ang mga pasalubong sa akin ni Papa, bagong cellphone, laptop at kung ano ano pang gadgets. Ngayong nandito si Papa bahagyang nabaling ang atensyon ko sa mga bagay bagay at nakakalimut

