Lumipad ang kamao ko sa mukha ni Papa nang makita sila ng ina ni Vianne na nag hahalikan "Pano niyo nagawa sa amin to?" Galit na sigaw ko Kay Papa, nuon pa lang ay ayaw ko na sa kaniya dahil lagi niyang sinasaktan si Mama at laging nag mamakaawa si Mama sa kaniya "Wala kang alam" May diing sabi ni Papa at nanlalaki ang mata na nag babanta sa akin. Wala man akong alam pero hindi maganda ito, nag tataksil si Papa at sa Ina pa ni Vianne? T*ngi*na naman! Nilingon ko si Tita Vilna na malungkot ang mukha. Kanina ay nakita kong nag pupumiglas siya kay Papa, mukhang hindi din gusto ang ginawa ni Papa Sa loob pa talaga ng opisina niya dinadala si Tita Vilna. Umiling ako at hindi alam kung anong dapat sabihin. Nandidiri ako sa aking Ama. Eksaktong birthday ko kinabukasan ng mahuli muli sila

